Batang Lalaki Ibinalik Ang Napulot Na Wallet Ng Isang Milyonaryo At Humingi Lamang Ng Isang Dolyar!

Ang kwentong ito ay naganap mahigit 20 taon na ang nakakalipas nang ang sikat na milyonaryo na nagngangalang Kenneth Behring ay pumunta sa i...


Ang kwentong ito ay naganap mahigit 20 taon na ang nakakalipas nang ang sikat na milyonaryo na nagngangalang Kenneth Behring ay pumunta sa isang business trip kasama ang kaniyang bodyguard. Pumunta sila sa pinakamahirap at del1kadong lugar sa San Francisco, California. 

60-anyos na noon si Kenneth at sa edad niya ay masasabi na napakarami na niyang narating sa buhay. Palagi siyang kasama sa Forbes U.S.A mula taong 1991. Isa din siya sa hinahangaan ng marami dahil kahit pa man mahirap ang kaniyang simula noon, sa sipag at tiyaga niya ay nagawa niyang magtagumpay sa buhay at nakamit ang mga pangarap.

Si Kenneth ay mula sa isang mahirap na pamilya. Ang kaniyang ina ay isang janitress habang ang kaniyang ama naman ay isang magtotroso. Ngunit, sa kabila noon siya ay naging milyonaryo sa edad na 26 dahil sa kaniyang diskarte, sipag, at tiyaga. Matalino si Kenneth kaya lalong lumalaki ang kaniyang negosyo.


Sa katunayan ay nagpunta siya sa Berkeley, San Francisco para tignan ang lugar na pagtatayuan niya ng kaniyang shopping mall. Kinakailangan niya ding makipagsundo sa mga tao na naninirahan sa naturang lugar. Maayos naman ang naging resulta ng kanilang kasunduan.

Matapos noon ay naglakad lakad muna sila sa San Francisco Bay Area para makalanghap ng hangin. Doon na napansin ng philanthropist na si Kenneth na nawawala ang kaniyang wallet.


Saad ng kaniyang body guard,

"Maybe you lost your wallet during your morning walk through the slums in Berkeley. What can we do now?"

Tugon naman ni Behring,

"We can only wait for the person who picked up my wallet to contact us."

Ngunit, dalawang oras na ang nakalipas ngunit wala pa ding tao ang pumupunta o tumatawag sa kanila para ipaalam na napulot ang wallet ni Kenneth. 


Dismayadong pahayag ng kaniyang bodyguard,

"Well, let’s not waste our time waiting for someone living in the slums to return your wallet. We should not have hoped for much from these people at all."

Gayunpaman, sinabi ni Kenneth na siya ay maghihintay at titignan kung mayroong magbabalik ng kaniyang wallet.

Nagtatakang saad ng kaniyang bodyguard,

"The person who picked up your wallet could have contacted us easily as there are business cards in your wallet. It only takes a few minutes to make a call. We have been waiting the whole afternoon. Seems like the person who picked up the wallet had no intention of returning it to you."


Gayunpaman, nagpumilit pa din si Kenneth at sinabi na siya ay maghihintay lamang sa lugar. Matapos ang buong maghapon ay wala pa ding pumupunta o tumatawag sa kanila. Ngunit, noong sumapit na ang gabi, bigla namang tumunog ang cellphone ni Kenneth. 

Ang tao na tumatawag sa kaniya ay ang tao na nakapulot ng wallet ni Kenneth. Nais nito na kuhanin ni Kenneth ang kaniyang wallet sa Kata Street.


Saad ng bodyguard ni Kenneth,

"Could this be a trap? Maybe they want to thr3aten or blackmail us?"

Hindi na lamang pinansin ni Kenneth ang sinasabi ng kaniyang bodyguard at kaagad siyang nagtungo sa Kata Street. Nang sila ay makarating doon, isang lalaki ang naglakad patungo sa kanila at inabot ang nawawalang wallet ni Kenneth. Kaagad kinuha ng bodyguard ni Kenneth ang naturang wallet at binilang ang pera na nasa loob nito. Laking gulat na lamang nito na walang kahit ano ang nawawala dito.

Tanong ng lalaki,

"Sir, could I request for a little money?"

Matapos marinig ang ang sinabi ng lalaki,  natatawang sabi nito,

"See, I knew it..."

Bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin ay pinigilan na siya ni Kenneth at tinanong ang lalaki kung magkano ang nais nito.


Saad naman ng bata, isang dolyar umano ang kaniyang kailangan para ipambayad sa isang shop owner para sa kaniyang ginamit upang makatawag.

Aniya,

"I have been looking for a public phone for a long time and when I finally found one, I did not have any money on me so I had to borrow a dollar from the shop owner to make this call. Now I need that dollar to return the money to him."


Naantig naman si Kenneth sa kabutihan at katapatan ng lalaki kaya naman binigyan niya ito ng isang mahigpit na yakap.

Noong mga oras na iyon, kaagad ding binago ni Kenneth ang kaniyang charity plan. Siya ay nag-invest ng pera sa ilang paaralan sa Berkeley na layong magturo para sa mga batang mahihirap at walang kakayahan na makapag-aral.

Saad ni Kenneth sa opening ceremony ng kaniyang pinatayong paaralan,

"We must not assume that every person out there is greedy or selfish. We need to make room and give every person an opportunity to prove that they have pure and kind hearts. People with these kind souls are worth investing in."

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Batang Lalaki Ibinalik Ang Napulot Na Wallet Ng Isang Milyonaryo At Humingi Lamang Ng Isang Dolyar!
Batang Lalaki Ibinalik Ang Napulot Na Wallet Ng Isang Milyonaryo At Humingi Lamang Ng Isang Dolyar!
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEi_yjZpdnLkiqTIME1Q44K-hSZ40lXQ8-aK8nOlFv_k_b4vs9YY5bDuys-MUY4VnhOUU88F98K61kDIB8PjCWJlNY3DL8YePMVfTUGNmWM3BNU4-yOb1bCNf2jkfo5efhLwUAstx-RjnttXKRudC3f6YqRz-XycgB8M1FNsyNa2vWxDOgRzqO_8a3_X=w640-h360
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEi_yjZpdnLkiqTIME1Q44K-hSZ40lXQ8-aK8nOlFv_k_b4vs9YY5bDuys-MUY4VnhOUU88F98K61kDIB8PjCWJlNY3DL8YePMVfTUGNmWM3BNU4-yOb1bCNf2jkfo5efhLwUAstx-RjnttXKRudC3f6YqRz-XycgB8M1FNsyNa2vWxDOgRzqO_8a3_X=s72-w640-c-h360
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/batang-lalaki-ibinalik-ang-napulot-na.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/batang-lalaki-ibinalik-ang-napulot-na.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy