Batikang Aktres Na Si Cherie Gil, Nagpakalbo Bilang Simbolo Ng Kaniyang ‘Rebirth’

Hindi maipagkakaila na isa si Cherie Gil sa mga personalidad na talagang tinitingala at hinahangaan ng marami dahil na din sa kaniyang kagan...


Hindi maipagkakaila na isa si Cherie Gil sa mga personalidad na talagang tinitingala at hinahangaan ng marami dahil na din sa kaniyang kagandahan na walang kakupas-kupas at kaniyang husay pagdating sa pag-arte. Ngunit sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ng kaniyang career bilang isang aktres, minsan na ding nakaranas si Cherie ng mga problema na talagang sumubok sa kaniyang buhay.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman ang magulong buhay ng ilang artista sa showbiz. Maraming celebrities ang dumadaan at nakakaranas ng mga pagsubok marahil dahil na din sa pressure at kanilang mga basher na palaging nakaabang sa bawat pagkakamali nila na maaaring ikatapos ng kanilang career.

Gayunpaman, marami naman sa mga personalidad ang nakabangon mula sa problemang kanilang kinaharap dahil na sa kanilang determinasyon na patunayan at ipakilala ang tunay nilang pagkatao sa publiko. Isa na nga dito ang aktres na si Cherie Gil.


Hindi matatawaran ang effort at sakripisyo na ibinigay ni Cherie sa larangan ng pag-arte simula nang pasukin niya ang showbiz industry. Dahil sa kaniyang sipag at determinasyon, nagawa niyang makabuo ng sariling pangalan sa industriya at mabuo ang matagumpay na career na mayroon siya ngayon. 

Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng matagumpay na karera, hindi pa din nakaligtas si Cherie sa madilim na bahagi ng kaniyang buhay kung saan ay minsan na din siyang naging stranger sa sariling pagkatao.


At ngayon nga ay proud at masayang ibinahagi ni Cherie na siya ay nasa proseso na ngayon ng bagong simula matapos ang ilang taon na pagsailalim niya sa mga counseling at therapy.

Sa eksklusibong panayam sa kaniya ng Mega Magazine, ibinahagi ni Cherie ang kaniyang ‘rebirth’ kalakip ang pagbida niya sa kaniyang new look.

Pagbabahagi ng aktres,

“I got rid of all the clothes I had that symbolized a past life… I’m completely finding myself and coming to terms with who I really am. It’s just great to have this opportunity and to be alive to start over. It’s like a rebirth of sorts.”


Bukod sa kaniyang desisyon na hanapin ang sarili, naisip din ng aktres na magkaroon ng pisikal na simbolo para sa kaniyang ‘rebirth’ at ito nga at ang pagshe-shave niya sa kaniyang buhok.

Saad ni Cherie,

“What’s hair ‘di ba? It grows back. It’s symbolic to my personal growth.”

Minsan mang nawala sa sarili dahil lahat ng kaniyang oras ay nailaan niya noon sa pagbuo ng kaniyang matagumpay na karera, ngayon ay buong buo na ang loob ni Cherie na tahakin ang ibang daan tungo sa tunay na kaligayahan.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Batikang Aktres Na Si Cherie Gil, Nagpakalbo Bilang Simbolo Ng Kaniyang ‘Rebirth’
Batikang Aktres Na Si Cherie Gil, Nagpakalbo Bilang Simbolo Ng Kaniyang ‘Rebirth’
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEgwQ7astnsS49VzcIu9KhFfbYrsEFXAhhOUKjKy5oyZ8vSykMIhZRwYY_WTXN9zh_v8RiH5AKTl4NPqBcWBSwLEeCrjlDlpoAjRICRP8mThJLVM87eACTb7qVFLIRqfWXEBypEpYwXLgY2Z2SXw5MBPo0RsWGCvL2y9jVJ7sCd-XC0pNvq_7SbHbVWY=w640-h360
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEgwQ7astnsS49VzcIu9KhFfbYrsEFXAhhOUKjKy5oyZ8vSykMIhZRwYY_WTXN9zh_v8RiH5AKTl4NPqBcWBSwLEeCrjlDlpoAjRICRP8mThJLVM87eACTb7qVFLIRqfWXEBypEpYwXLgY2Z2SXw5MBPo0RsWGCvL2y9jVJ7sCd-XC0pNvq_7SbHbVWY=s72-w640-c-h360
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/batikang-aktres-na-si-cherie-gil_25.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/batikang-aktres-na-si-cherie-gil_25.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy