Lalaki, Humagulgol Sa Kaniyang Ina Matapos Mai-scam Ang Pera Na Inipon Ng 3 Years Para Makabili Ng Kamera

Dumur0g sa puso ng maraming netizens kamakailan lamang ang isang lalaki na labis ang hagulgol sa kaniyang ina matapos ma-scam ang perang kan...


Dumur0g sa puso ng maraming netizens kamakailan lamang ang isang lalaki na labis ang hagulgol sa kaniyang ina matapos ma-scam ang perang kaniyang pinaghirapan sa isang online shop.

Sa isang viral TikTok video, makikita ang lalaki na hindi na mapigilan na humagulgol sa kaniyang ina matapos mawala ang napakalaking halaga na inipon niya ng tatlong taon para lang mabili ang kamera na kailangan niya sa kaniyang trabaho.

Para sa isang photograper kagaya ni Christian Paul Torrentira Baran na mula sa Bukidnon, isang ang kamera sa pinaka-importanteng bagay dahil ito ang ginagamit nila sa mga events katulad ng photo and video cover para sa prenup, wedding, christening, debut, birthdays, at bur1al.



Kaya naman noong maka-ipon na si Christian ng sapat na pera upang mai-upgrade ang kaniyang kamera ay napagpasyahan niya na mag-order online sa pagtitiwala na makakaabot sa kaniya ang item. Ngunit, nanlumo na lamang si Christian matapos madiskubre na siya ay ini-scam pala ng mismong seller ng kamera at ang pera na kaniyang pinaghirapan ng tatlong taon para lang mabili ang kamera na kailangan niya sa kaniyang hanapbuhay ay bigla na lamang naglaho ng parang bula.

Saad sa nasabing video, mahigit P43,000 umano ang nawala kay Christian. Kaya naman hindi niya mapigilan na umiyak at mapayakap sa kaniyang ina upang maibsan ang lungkot at s4kit na kaniyang nadarama.



Labis naman ang pagpapagaan ng loob ng ina ni Christian para sa kaniyang anak habang niyayakap ito sabay sabing, "Ok lang yan anak, masmahalaga ang buhay kaysa sa nawalang pera sayo."

Matapos mag-viral ang nasabing video ay kaagad naman bumuhos ang tulong sa kaniya. Sa katunayan nga niyan ay may isang grupo ng photograper, lalo na sa kanilang lugar ang nag alok ng tulong sa kaniya. Maging ang isang supplier ng camera ay binigyan siya ng malaking discount.

Samantala, tila natamaan ng konsensya ang nang-scam kay Christian dahil nag-pm ito sa kaniya matapos magviral ang video at sinabi na ibabalik ang pera ni Christian. 


Saad ni Christian sa post ay P11,000 pa lang ang naibabalik sa kaniya dahil nagamit daw ito sa ospital ngunit nangako naman ito na ibabalik sa kaniya ang kulang pang halaga. Sa kabila ng ginawa nito sa kaniya, sinabi ni Christian na naiintindihan niya ang sitwasyon ngayon ng taong nang-scam sa kaniya at nagpasalamat pa siya dito dahil naibalik kahit papaano ang P11,000 sa kaniyang pera.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Lalaki, Humagulgol Sa Kaniyang Ina Matapos Mai-scam Ang Pera Na Inipon Ng 3 Years Para Makabili Ng Kamera
Lalaki, Humagulgol Sa Kaniyang Ina Matapos Mai-scam Ang Pera Na Inipon Ng 3 Years Para Makabili Ng Kamera
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEiMeZ_PkuQnFPmWMlLae2LcHFi8SeeXG33aIxGxpxPCsi56Pmgwa4rsfd830Iumj47rXFKiQwugFvhvfu3p9od6rG9giF_fzx8otInAeBASMqaxgexXWLvV28xqK727p18PA3SS0j_MLoO3BcLgmlVEyGG7iB2WFnnS1x63240bZDa45hbNH2qrA1Hl=w640-h360
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEiMeZ_PkuQnFPmWMlLae2LcHFi8SeeXG33aIxGxpxPCsi56Pmgwa4rsfd830Iumj47rXFKiQwugFvhvfu3p9od6rG9giF_fzx8otInAeBASMqaxgexXWLvV28xqK727p18PA3SS0j_MLoO3BcLgmlVEyGG7iB2WFnnS1x63240bZDa45hbNH2qrA1Hl=s72-w640-c-h360
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/lalaki-humagulgol-sa-kaniyang-ina_99.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/lalaki-humagulgol-sa-kaniyang-ina_99.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy