Lalaki Nagwala Matapos Palitan Ng Kapitbahay Ang WiFi Password

Viral ngayon sa social media ang video na in-upload ng The Publisher kung saan makikita ang lalaking galit na galit sa kaniyang kapitbahay m...


Viral ngayon sa social media ang video na in-upload ng The Publisher kung saan makikita ang lalaking galit na galit sa kaniyang kapitbahay matapos baguhin ng mga ito ang password ng kanilang WiFi.

Ayon sa uploader, naglabas ng g4lit ang lalaking naka-topless sa nasabing video dahil umano sa pagpapalit ng password ng WiFi ng kanilang kapitbahay. Nakiki-connect lamang umano ang nasabing lalaki sa WiFi ng kapitbahay ngunit nang palitan ng mga ito ang password ay doon na sumugod ang lalaki. 

Caption ng The Publisher:

"kapit bahay na nakikiconnect ng wifi nag4lit dahil iniba ang password.ung my ari nlng humingi ng pasensya dahil 10mbps nga lang nman."


Maririnig naman sa naturang video ang paliwanag ng may-ari ng WiFi kung bakit nila binago ang password.

Ayon dito, sinabihan lamang umano siya ng kaniyang kapatid na lalaki na huwag munang magpa-connect sa iba dahil nagte-training pa umano ito  sa call center at kailangan niya ng maayos na internet connection. Dagdag pa nito, nasa 10 mbps lang din ang kanilang WiFi kaya naiintindihan niya ang kaniyang kapatid na huwag munang magpa-connect sa iba.

Ngunit sagot naman ng lalaki sa nasabing video, ilang araw na umano nilang sinasabi training sa call center at hindi pa din matapos hanggang ngayon. Hirap na din daw sa pagmo-module ang kaniyang mga anak dahil hindi makapag-internet. Paliwanag pa nito, sana daw ay kinausap sila ng maayos bago nagpalit ng password. Hindi yung basta na lang pinalitan na hindi man lang sila inabisuhan.


Maririnig din sa video na ilang beses na tinawag na salbahe ng nasabing lalaki ang kapatid ng kaniyang kausap at pinapalayas din sa kanilang lugar dahil hindi daw ito marunong makisama. 

Sa isang punto ng video, maririnig na nabanggit ng lalaki na hindi nila lol0kohin ang mga ito dahil siguradong magbabayad sila. 

Samantala, umani naman ito ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens. Ilan sa kanila ang nagsabi na baka nagbabayad din umano ang nasabing lalaki kaya malakas ang loob nito na magreklamo.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

"Tingin ko nkikishare siya sa monthly ng wifi imposible kasi yun mag4lit ka ng gnyan kahit las1ng ka lalo nat alam mo nmn sa sarili mo nakikiconnect ka lng. Di nmn din kasi lahat ng tao afford yan wifi eh. Yun iba talaga nakikishare nlng sa kapitbahay na meron"

"Sabi sa Vid Magbabayad naman daw siya.. So aun na nga , ibig sabihin wala pa siyang naibabayad .. Regardless , kung halimbawa man na nag aambag siya sa bill ng internet para maka.connect sila , Hnd pa rin sapat na dahilan un para magwala siya at magalit sa harap ng bahay nung may ari ng internet .. Kahit saan tignan , nakikisuyo lang siya sa may ari .. Ginagawan lang din siya ng pabor ng may ari . For sure , kahit papano , nag effort din ung may ari na i.inform siya about sa pagpapalit ng pw , baka lang talagang hnd nakrating ng ayos kay kuya .."

"Hindi natin alam baka nagbabayad dn si Manong sa wifi kaya siya nagag4lit bat pinalitan ng password, kaya humihingi ng pasensiya si ate na nag vivideo. Di natin kaylangan maging 1 sided palagi. alamin natin rason kung bakit ang kabilang side ay gumaganyan."

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Lalaki Nagwala Matapos Palitan Ng Kapitbahay Ang WiFi Password
Lalaki Nagwala Matapos Palitan Ng Kapitbahay Ang WiFi Password
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjA6doGlcg5PQyXwhhy5w4sl4cb2hydrxjH6KjJrIRcf45BHQJ00lWTrQecsud00uGbTn77C5ObtUXDcYS2_YfINBKFMscMqNBr5Hh11Vgm-0Er0glYC380pCrhiwdMKXkByuR4Wf2XUZcPAlhvmKijcuodj1TOuyVVRBLt2mxac_MJodhIlAdtPUDe/w640-h360/fghgfkjlkh.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjA6doGlcg5PQyXwhhy5w4sl4cb2hydrxjH6KjJrIRcf45BHQJ00lWTrQecsud00uGbTn77C5ObtUXDcYS2_YfINBKFMscMqNBr5Hh11Vgm-0Er0glYC380pCrhiwdMKXkByuR4Wf2XUZcPAlhvmKijcuodj1TOuyVVRBLt2mxac_MJodhIlAdtPUDe/s72-w640-c-h360/fghgfkjlkh.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/lalaki-nagwala-matapos-palitan-ng_8.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/lalaki-nagwala-matapos-palitan-ng_8.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy