Mommy Dionisia, Nangamba Na Baka Maubos Agad Ang Pera Ni Manny Pacquio Dahil Sa Pagtakbo Nito

Noong Pebrero 8, 2022 ay nagbukas na nga ang unang araw ng pangangampanya kaya naman ang mga presidential candidate ay kaniya-kaniyang pasik...


Noong Pebrero 8, 2022 ay nagbukas na nga ang unang araw ng pangangampanya kaya naman ang mga presidential candidate ay kaniya-kaniyang pasiklaban sa kani-kanilang mga proclamation rally na isinagawa sa mga espesipikong lugar na kanilang pinili. 

Para kay Senador Manny Pacquiao, pinili niya ang General Santos City kung saan siya isinilang at lumaki. Nagsimula ang proclamation rally ni Manny bandang ala-una ng hapon sa Barangay Bawing patungong Oval Plaza Grandstand.

Isa lamang si Mommy Dionisia sa mga personalidad na nagsalita para kay Manny. 


Sinabi ni Mommy D na siya ay nangangamba na maubos ang pera ng kaniyang anak dahil hindi biro ang desisyon nito na tumakbo bilang pangulo ng bansa. Muli din niyang binalikan ang unang pagkakataon na pumasok si Manny sa pulitika sa Gensan kung saan maraming pera daw ang inilabas ng kaniyang anak.

Saad ni Mommy D,

“Noong tumatakbo pa siya for the first time dito sa General Santos. Umiyak ako kasi ilang sako na ng pera ang nakita kong nawala.”


Sinabi niya na maging ang kaniyang mga amiga ay nag-aalala din daw na maubos ang kanilang kwarta o pera.

Dagdag niya,

“Sabi pa ng mga amiga ko, ‘Mommy, ang anak mo bigay nang bigay ng pera, baka maubos ang kuwarta!'

Kaya ngayon na nais ng kaniyang anak na tumakbo sa pinakamataas na posisyon, nagbiro si Mommy Dionisia na baka mas malaki pa sa tuna ng Gensan ang maubos na pera ng kaniyang anak.


“Tapos ito presidente na, sabi ko ‘Manny, iba na talaga to kasi buong bansa na, mas malaki pa sa bariles [tuna] ng GenSan!”

Samantala, natawa na lamang si Sen. Manny sa mga sinabi ng kaniyang ina tungkol sa kaniya. Kahit ang mga kasama nito sa stage at ang mga taga-suporta na dumalo sa kaniyang proclamation rally ay labis din na natuwa sa ina ng Pambansang Kamao.

Gayunpaman, sa kabila ng pagbibiro ni Mommy D, buong suporta naman ang ibinibigay niya sa desisyon ng kaniyang anak.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Mommy Dionisia, Nangamba Na Baka Maubos Agad Ang Pera Ni Manny Pacquio Dahil Sa Pagtakbo Nito
Mommy Dionisia, Nangamba Na Baka Maubos Agad Ang Pera Ni Manny Pacquio Dahil Sa Pagtakbo Nito
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEhLSikjH8s23zqNp7s3z5DCyxB8OPss9DGJqWoQMEdd874w-8Zf5NyWtwlG2B7S-T4I4XW6i4V9cznNhImEp0AzLbMP_u_Tj2c4UtDiK-BdjD7OBC0amoxRv8D5DRkPusGLZkWLOgMJgPjpIJojmgWd1fQbyWodVQaKYi1EBRne_ZSxxBZ9xURx5ner=w640-h360
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEhLSikjH8s23zqNp7s3z5DCyxB8OPss9DGJqWoQMEdd874w-8Zf5NyWtwlG2B7S-T4I4XW6i4V9cznNhImEp0AzLbMP_u_Tj2c4UtDiK-BdjD7OBC0amoxRv8D5DRkPusGLZkWLOgMJgPjpIJojmgWd1fQbyWodVQaKYi1EBRne_ZSxxBZ9xURx5ner=s72-w640-c-h360
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/mommy-dionisia-nangamba-na-baka-maubos_15.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/mommy-dionisia-nangamba-na-baka-maubos_15.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy