Willie Revillame, Umalis Na Sa GMA-7; Tunay Na Dahilan Ng Kaniyang Pag-alis, Ibinulgar Na!

Noong Sabado, February 5, 2022 ay naglabas na ng opisyal na pahayag ang GMA-7 na kumukumpirma sa pagtatapos ng kontrata ng show ni Willie sa...


Noong Sabado, February 5, 2022 ay naglabas na ng opisyal na pahayag ang GMA-7 na kumukumpirma sa pagtatapos ng kontrata ng show ni Willie sa kanila at hindi nga umano ito ire-renew pa.

Ayon sa official statement ng GMA-7,

"Willie Revillame's contract with GMA Network is set to end on the 15th of this month. His show Wowowin will air until Friday, February 11.

"We wish him good luck in his future endeavors."


Marami ang nagtaka dahil kamakailan lang ay ipinahayag ni Willie na nag-renew siya ng kontrata sa GMA-7 for another year. Maganda din naman umano ang working relationship nina Willie at ng Kapuso network. 

Lumabas din ang usap-usapan na marahil ay lilipat si Kuya Wil sa bagong channel 2 na nasa ilalim ng Advanced Media Broadcasting System na pag-aari ng malapit niyang kaibigan at business partner na si Manny Villar. Ang Advanced Media ang maswerteng pinagkalooban ng National Telecommunication Commission ng frequency na dating ino-operate ng ABS-CBN.

Samantala, mas lalo namang umugong ang balita na paglipat ni Willie sa bagong istasyon ng kaniyang kaibigan na si Manny na AMBS nang mamataan ang pagbisita sa kaniya ng billionaire kasama ang anak nito.


Kumalat sa social media ang mga larawan ni Willie habang kasama sina Camille at Manny na bumisita sa kaniyang mansion. Sa isang larawan, makikitang nagkamayan pa sina Willie at Manny. Tila nga ay kinukuha ni Manny ang TV host bilang katuwang niya sa pamumuno ng kaniyang media company bilang matagal na sa industriya ang kaibigang si Willie.

Matatandaan na noong nagka-problema si Willie sa completion ng kaniyang WilTower ay si Manny ang sumalo sa kaniya. Kaya naman mataas ang pagtingin at respeto niya dito. 


Ang Wowowin ay nag-umpisa sa GMA noong May 2015. Nakilala ito sa iba't ibang game segments at generous cash prices. Dito din sumikat ang meme na 'bigyan ng jacket yan' na hango mula sa isang segment ng show.

Marami naman ang umaasa na kahit tapos na kontrata ng Wowowin sa GMA-7 ay sana ay ipagpatuloy pa din umano ni Willie ang pagtulong sa mga nangangailangan kagaya ng nakagawian na sa kaniyang programa.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Willie Revillame, Umalis Na Sa GMA-7; Tunay Na Dahilan Ng Kaniyang Pag-alis, Ibinulgar Na!
Willie Revillame, Umalis Na Sa GMA-7; Tunay Na Dahilan Ng Kaniyang Pag-alis, Ibinulgar Na!
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg5paTBXKCzSUpIrSekCoh_KOPn6h2KOaNob5g-LuYAoRP6h0JrX2NAb3pOpIqr7c5PgXvb5cmh-V6dSicPiZxsDRKulNBrvhWAAklz9Tq-CtxiG9bDEagbuB1nxT9Ef0BANLHfE0FwFgnAYM2SyLkG06fTZlmn2F8jKi_MdKuBb_W98MKv_b0oukNC/w640-h360/willhgkghkgh.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg5paTBXKCzSUpIrSekCoh_KOPn6h2KOaNob5g-LuYAoRP6h0JrX2NAb3pOpIqr7c5PgXvb5cmh-V6dSicPiZxsDRKulNBrvhWAAklz9Tq-CtxiG9bDEagbuB1nxT9Ef0BANLHfE0FwFgnAYM2SyLkG06fTZlmn2F8jKi_MdKuBb_W98MKv_b0oukNC/s72-w640-c-h360/willhgkghkgh.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/willie-revillame-umalis-na-sa-gma-7.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/willie-revillame-umalis-na-sa-gma-7.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy