Isang Babae, Itinuturing Bilang 'Supermom" Nang Sagipin Ang Buhay Ng Lalaki Na Limang Minuto Ng Walang Buhay

Usap-usapan sa social media kamakailan lamang ang ginawang pagliligtas ng isang babae sa isang lalaki na limang minuto ng pat4y! Itinuturing...


Usap-usapan sa social media kamakailan lamang ang ginawang pagliligtas ng isang babae sa isang lalaki na limang minuto ng pat4y!

Itinuturing ngayon sa social media na isang bayani at tinatawag na 'Supermom' ang isang ginang mula sa bayan ng Asingan nang sagipin niya ang buhay ng isang lalaki at lakas loob niyang isinalba ang buhay nito kahit hindi niya ito kaano-ano o kadugo at kulang ang kaniyang kaalaman sa pagsi-CPR.

Muntik na kasing mauwi sa isang mapait na trah3dya ang sana ay pagtuturo lamang ng isang lalaki sa kaniyang anak ng tamang paglango nitong Sabado ng tanghali.


Nataranta ang mga naliligo sa kahabaan ng Agno River na sakop ng Sta. Ana, Tayug matapos malunod ang nasabing lalaki na noong mga oras na iyon ay tinuturuan lumangoy ang kaniyang anak.

Mabilis din naman na naiahon ang lalaki sa pagkakalunod nito ngunit ito ay hindi na humihinga at unti-unti na ding nangingitim. Kaagad namang tumulong ang apatnapu't apat na si nanay Princess Sunico, na ngayon ay tinuturing na bilang 'supermom', at kaagad na nagpaabot ng tulong sa lalaki. Kahit kulang ang kaniyang kaalaman sa pagsi-CPR ay talagang ginawa niya at ng kaniyang mga kasamahan ang kanilang makakaya para maisalba ang buhay ng nasabing lalaki.

Saad ni Sunico,

"Doon po kasi sa kabilang cottage po may nagsalita po kasi na may nalulunod tapos ako narinig ko po tinawag ko po yung mister ko sabi ko may nalulunod doon. Agad naman po na tumulong yung anak ko at yung mga kalalakihan na nandoon din po."


Sa isang video, makikita na talagang hindi sumuko si Nanay Princess at ang kaniyang anak na si Mcinley sa pagbibigay ng Cardio Pulmonary Resuscitation o CPR sa lalaki.

Emosyonal na sagot ni nanay Princess,

"Parehas po kami [Mcinley] walang experience sa pag si-CPR, kaya lang po siyempre po ginawa lang namin po makakaya namin para mabuhay lang po. Talagang naawa po kami talaga sa bata na iyak nang iyak po, kasi mawawalan po ng ama kaya sa isip ko din po sige anak bilisan mo."

Makalipas ang mahigit na limang minuto na kanilang pagsi-CPR ay nailabas ng lalaki ang kaniyang nainom na tubig at muling nagkamalay.

Ani Sunico,

"Kala nga po namin parang hindi po namin kaya kasi nga po wala nga kaming kaalaman, thank God naman po siguro ginamit din po kami ng Panginoon para mabuhay pa rin yung tao. Kahit hindi po natin kamag-anak, kahit na hindi sila kadugo kung nangangailangan po talaga sila ng tulong, tulungan po natin."

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Isang Babae, Itinuturing Bilang 'Supermom" Nang Sagipin Ang Buhay Ng Lalaki Na Limang Minuto Ng Walang Buhay
Isang Babae, Itinuturing Bilang 'Supermom" Nang Sagipin Ang Buhay Ng Lalaki Na Limang Minuto Ng Walang Buhay
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEgfnT-oFDgdnf0ofNNiMXe1whQifBuOcifTRBT7x6QXFP1gSNyzOw039n7xfol1vc953HTMRGy8rkhhQn614AHtV7ASBi0977Ixvv7xgMlHaiIycRVwVFg99TM5zm119OQ-znkfNIDUt9vjrsQUb24IzLEe6_XlWFQU4Tz5atTPlZ5a5wSLj7OlqXI9=w640-h360
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEgfnT-oFDgdnf0ofNNiMXe1whQifBuOcifTRBT7x6QXFP1gSNyzOw039n7xfol1vc953HTMRGy8rkhhQn614AHtV7ASBi0977Ixvv7xgMlHaiIycRVwVFg99TM5zm119OQ-znkfNIDUt9vjrsQUb24IzLEe6_XlWFQU4Tz5atTPlZ5a5wSLj7OlqXI9=s72-w640-c-h360
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/03/isang-babae-itinuturing-bilang-supermom_20.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/03/isang-babae-itinuturing-bilang-supermom_20.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy