Ito Pala Ang Mga Mamahaling Sasakyan Na Pag-aari Ng Mga Young Pinoy Celebrities

Sila ay mga sikat at mga bata pa pero nagmamaneho at nagmamay-ari na sila ng mga mamahaling sasakyan.  Narito at kilalanin natin ang mga cel...


Sila ay mga sikat at mga bata pa pero nagmamaneho at nagmamay-ari na sila ng mga mamahaling sasakyan. 

Narito at kilalanin natin ang mga celebrities na nagmamay-ari na ng mga mamahaling sasakyan kahit sila ay mga bata pa.

Althea Ablan

Sa edad na 16-year-old, masaya at proud na ibinahagi ng Kapuso teen star actress na si Althea Ablan sa kaniyang followers ang una niyang nabiling sasakyan. Ito ay ang puting Toyoto Fortuner. Ito ay base sa kaniyang Instagram post noong July 23, 2021 na may caption na: "Meet my baby!! Bought my very first car ❤"

Si Althea ay nakilala sa pinag-uusapang serye ng GMA-7 na Prima Donnas. Bumuhos naman ang pagbati mula sa kaniyang mga taga suporta. Ayon sa young actress, plano niyang tawaging 'Marshmallow' o 'Mallows' ang kaniyang bagong kotse dahil na din sa kulay nito. Sa kaniyang vlog, hindi naman nakalimutan ni Althea na magpasalamat sa Diyos at sa kaniyang mga tagasuporta dahil sa pagtupad nito na makuha ang kaniyang dream car. Hindi na din siya manghihiram ng sasakyan tuwing may taping.

Jillian Ward

Bata pa lang nang magsimula ang teen star na si Jillian Ward sa showbiz, kaya hindi na nakakapagtaka ang pag-aari at mga negosyo na napundar ng dalaga tulad na lamang ng pagbili nito ng sariling sasakyan. Sa kaniyang Instagram post noong March 10, 2022, muling napahanga ng aktres ang kaniyang mga tagahanga at kapwa artista. Hindi dahil sa pag-arte niya, kundi sa pagkakaroon niya ng bagong mamahaling sasakyan. Caption niya dito: "My first sports car. atporsche"

Hindi na binanggit ng teen star kung ano ang model ng kaniyang Porsche ngunit ang presyo ng brand new nito ay umaabot ng P5.9M hanggang P13M depende sa model ng nasabing sasakyan. Hindi lang ito ang unang mamahaling sasakyan na nabili ng aktres. Matatandaan na noong No9vember 2021, ipinost niya ang kaniyang bagong BMW Sedan. Maliban sa dalawang kotse, ay isang customized Hello Kitty themed blank and pink van din si Jillian. At ang presyo ng nasabing van sa bansa ay mahal at umaabot ng milyon, depende sa model nito. Hindi pa kasali ang nagastos sa pagpapaganda at ayos ng loob ng sasakyan.

Kyle Echarri

Sa edad na 17-year-old, nabili na ni Kyle ang kaniyang matagal ng pangarap na kotse. Ito ang kaniyang ibinida sa kaniyang Instagram post noong February 16, 2021 na may caption na: "Oh boy we made it"

Ang kaniyang dream car ay ang Dodge Ram 1500 Pickup Truck na may bullet proof seats na base sa nakalagay na presyo sa nasabing website, ito daw ay nagkakahalaga ng mahigit na P3M. Ayon sa aktor, bata pa lang siya ay pangarap na niyang makabili ng ganitong uri ng sasakyan sapagkat ang kaniyang ama ay nagmamay-ari ng Dodge Ram 5500 noong naninirahan pa sila sa Amerika at aminado din si Kyle na gusto niyang maging kagaya ng kaniyang papa. Kaya laking pasasalamat ng aktor sa kaniyang mga tagahanga dahil natupad na niya ang isa sa kaniyang mga pangarap.

Bailey May

Sa kasagsagan ng pand3miya, ginulat naman ng Filipino British singer-actor na si Bailey May ang netizens nang ipost nito sa kaniyang Instagram noong September 4, 2020 ang isang mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng ilang milyon. Ito ay puting Mercedez Benz. Caption niya dito: "Nasa labas ako bebs"


Maliban sa kaniyang kotse, kinaaliwan naman ng netizens ang caption nito sapagkat laking ibang bansa at sanay sa salitang banyaga ay Tagalog pa din ang ginagamit ni Bailey. Kwento pa ni Bailey, isa sa kaniyang mga hiling bago ang kaniyang 18th birthday ay ang makabili ng bagong sasakyan at masaya siya dahil natupad niya ito.

Seth Fedelin

Matapos ang tagumpay ng seryeng 'Kadenang Ginto' kung saan isa si Seth Fedelin sa mga bida cast ng nasabing serye, nagtuloy tuloy ang kaniyang mga proyekto. Kaya naman sa edad na 17 ay nakabili siya ng sariling sasakyan. Ito ay ang puting Mitsubishi Exapnder. Ang kaniyang publicist na si Dominc Crisologo Rea ang nag-post ng larawan ni Seth noong June 23, 2019, hawak ang malaking susi katabi nito ay ang kaniyang bagong kotse. Caption nito: "Stay happy and blessed. Be kind always and stay humble."


Laking pasalamat naman ng young actor sa seryeng 'Kadenang Ginto' dahil ito ang nagbigay ng break sa kaniyang karera at isa sa dahilan kung bakit may sarili na siyang sasakyan. Masaya naman ang co-star niya noon na si Andrea Brillantes na makikitang nasa blessing ng sasakyan ng aktor base sa kaniyang Instagram post.

Jimuel Pacquiao

Hindi naman nagpahuli sa pagkakaroon ng mamahaling sasakyan ang anak ng Pambansang Kamao na si Jimuel Pacquiao. 



Si Manny mismo ang bumili ng pulang Chevrolet Corvette Stingray para kay Jimuel noong 2019. Ayon sa website ng top-gier, ang presyo ng nasabing sasakyan ay nasa P18.5M.

Loisa Andalio

Noong August 2019, masayang ibinahagi ng actress na si Loisa Andalio sa kaniyang Instagram ang bago nitong sasakyan at labis na nagpapasalamat siya sa binigay na blessing sa kaniya. 



Base sa larawan, ang sasakyan ni Loisa ay ang Nissan NV 350 Urvan. Ayon sa isang website, ang 15-seater edition ay may presyong P1.4M.

Liza Soberano



Bilang itinanghal na may pinaka magandang mukha sa showbiz at pinaka magaling na aktres sa kaniyang henerasyon, sa edad na 20, ang model-actress na si Liza Soberano ay nagmamay-ari ng luxurious customized Hyundai Starex Van at ito ay nagkakahalaga ng ilang milyon.

Gabbi Garcia

Noong January 31, 2021, ibinahagi naman ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia sa kaniyang YouTube vlog ang kaniyang bagong biling sasakyan. 

Ito ay ang Subaru XV1 na pinangalanan niyang 'Millie'. Ayon sa isang website, ang presyo nito ay nagkakahalaga ng P1.6-M hanggang P1.98-M. Ayon sa actress, nabili niya ang nasabing sasakyan dahil na din sa kaniyang mga endorsement.

Ranz Kyle

Taong 2017 nang matupad ng dancer-vlogger na si Ranz Kyle ang isa sa kaniyang pangarap na magkaroon ng luxury car. Dahil sa kaniyang mga vlogs, hindi na nakakapagtaka na naka ipon siya para mabili ang dream car na gray Mustang. 

Hindi na binanggit ni Kyle kung ano ang presyo nito, ngunit base sa website nito, ang starting price daw ay nasa P2.8-M.

Barbie Forteza

Kinokonsidera naman ng Kapuso star na si Barbie Forteza na medyo investment ang binili niyang sasakyan sapagkat nagsisimula pa lang siya sa showbiz noon dahil siya at ang kaniyang ina ay madalas na mag-commute mula sa kanilang bahay para makapunta kahit saan. 

Ang binili niyang sasakyan ay ang puting Toyota Fortuner noong 2016.

Ruru Madrid

Ayon sa YES Magazine October 2017 issue, binili ng Kapuso actor na si Ruru Madrid ang kaniyang Jac Sunray luxury van noong January 2017. 

Ito ay mula sa kaniyang nakuhang talent fee sa fanta-seryeng pinagbidahan niya na 'Encantadia'. Ayon sa aktor, itinuring niyang baby at minsan ay beast ang nasabing sasakyan. Sa online, ito ay may presyong P2.2-M.

Ronnie Alonte

Hindi naman pinalampas ng aktor at dating Hashtag member na si Ronnie Alonte ang makabili ng sariling sasakyan. Noong 2016, binili niya ang kaniyang Toyo 86 na kulay pula. 

Kalaunan napansin ng kaniyang tagahanga na pinalitan niya ito ng kulay itim. Ang 2018 model ng nasabing sasakyan ay may base price na P1.89-M.

Ella Cruz

Isa ang aktres na si Ella Cruz sa mga nagmamaneho at may-ari ng 2016 Jeep Wrangler. 

Ngunit noong 2017 ay inanunsyo niya sa social media na gusto niya itong ipagbili. Ang nasabing sasakyan ay may halagang P2-M.

Kathryn Bernardo

Wala namang takot at lakas loob na nagmaneho ang aktres na si Kathryn Bernardo sa kaniyang mamahaling sasakyan noong 21-year-old pa lamang. 

Ito ay sa kaniyang Lexux XE30 na nagkakahalaga ng P2.7-M. Maliban dito, nagmamay-ari din si Kathryn na nagmamay-ari ng customized van na may tailored interior.

Khalil Ramos

Kung nakahiligan ang mga vlog at food reviews ng celebrity couple na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia, isa sa mapapansin ay ang mamahaling sasakyan ni Khalil. Ito ay ang kaniyang BMW Series 3A90 na may presyong mahigit na P3-M. 

Nito lang January 2022, ibinahagi ni Khalil sa kaniyang Instagram ang bagong bili niyang sasakyan na Mercedes Benz GLA na may estimated retail price na mahigit P8-M.

Daniel Padilla

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na isa sa mahusay at sikat na aktor na si Daniel Padilla ay kilala din bilang car enthusiast. Mahilig siya sa mga customate car at vintage vehicles. Ang aktor ay nagmamay-ari ng 12 rare cars at ilan sa mga ito ay nakita na ng publiko. Kabilang na dito ang 2016 red Corvette Stingray na nabili niya sa halagang P9-M noong siya ay 20-year-old. Isa naman sa mga nakakuha ng atensyon sa koleksyon ng aktor ay ang kaniyang 1967 Ford Mustang. Sa mga hindi nakakaalam, ang 1967 Mustang ay mahal pa kesa sa brand new Mustang. 

Kung ang kotse ni Daniel ay replika nga ng Eleanor, ibig sabihin ay may mas mataas itong presyo kumpara sa regular na 67 Mustang. Ang musscle car ng aktor ay umaabot sa halagang P5-M hanggang P7-M. Ilan pa sa mga nakakalulang car collection ni Daniel ay ang Porsche 718 Boxster S, Lamborghini Huracan Spiral 2018, ang 1966 Pontiac GTO, at marami pang iba. Pag-aari din ng aktor ang 2013 Dodge Challenger na ibinenta niya noong nakaraang taon. Ayon sa report, nasa mahigit na P3-M ang halaga ng nasabing sasakyan.

Maine Mendoza

Sa kaniyang pagganap bilang 'Yaya Dub' sa Kalye serye ng programang Eat Bulaga, ang aktres na si Maine Mendoza ay nakabili ng sariling Hyundai Starex Limousine noong 2016.

Nadine Lustre

Noong 2016, matatandaang bumili ang singer-actress na si Nadine Lustre ng Jeep Wrangler. Ang presyo ng brand new ng Wrangler sa Pinas ay nagsisimula sa halagang P3-3-M. Pina-customized din ni Nadine ang sasakyan at pinalagyan ng apat na pirasong high-powered 3-cubes para sa kaniyang road trips.

Enrique Gil

Dahil na din sa kaniyang iba't ibang proyekto sa telebisyon, nagkaroon ng pagkakataon ang aktor na si Enrique Gil upang makuha ang kaniyang gusto. Isa na nga diyan ay ang pagkahilig niya sa sasakyan. Ang aktor ay may dalawang musscle car, ito ang pulang Dodge Nitro na nagkakahalaga ng P1.8-M at ang 2009 Chevrolet Camaru na nagkakahalaga ng P3.3-M. Ito din ang kaparehong modelo ng Bumble Bee mula sa sikat na pelikula na 'Transformers'. Mula sa orihinal na kulay nitong dilaw, pinapalitan ito ng aktor ng kulay green.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Ito Pala Ang Mga Mamahaling Sasakyan Na Pag-aari Ng Mga Young Pinoy Celebrities
Ito Pala Ang Mga Mamahaling Sasakyan Na Pag-aari Ng Mga Young Pinoy Celebrities
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj4MVbbp3YU0vMxSgIqjo82s4-6dkDqOw_brAKlWsWKRpvNPT1D9eRiiXFXNXMrjV8wY4zAIlWhmDWYBHxZczfGdMbajHohibUM2pB-rVc-MiBTMDW6963c6VaJqTDUQ4aP9MSAe6PEgPbqq4XREnRUBAvz-Cb7Txvyjqfaq3gL2TBj0iYMSyQgDQNq/w640-h360/safgdsghfdjgkglh.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj4MVbbp3YU0vMxSgIqjo82s4-6dkDqOw_brAKlWsWKRpvNPT1D9eRiiXFXNXMrjV8wY4zAIlWhmDWYBHxZczfGdMbajHohibUM2pB-rVc-MiBTMDW6963c6VaJqTDUQ4aP9MSAe6PEgPbqq4XREnRUBAvz-Cb7Txvyjqfaq3gL2TBj0iYMSyQgDQNq/s72-w640-c-h360/safgdsghfdjgkglh.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/03/ito-pala-ang-mga-mamahaling-sasakyan-na_72.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/03/ito-pala-ang-mga-mamahaling-sasakyan-na_72.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy