Ogie Diaz, Ibinahagi Ang Kalagayan Ngayon Ng Dating Sikat Na Komedyanteng Si Dagul

Kamusta na nga ba ang kalagayan ngayon ng dating kilalang komedyante na si Dagul o Romy Pastrana sa tunay na buhay. Sa latest upload ng ente...


Kamusta na nga ba ang kalagayan ngayon ng dating kilalang komedyante na si Dagul o Romy Pastrana sa tunay na buhay.

Sa latest upload ng entertainment columnist at talent manager na si Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel, inalam niya kung ano na ang lagay ngayon ni Dagul.

Hindi maipagkakaila na si Dagul ay isa sa mga personalidad na nagbigay ng aliw at kasiyahan sa mga manonood noong siya ay sikat pa. 

Bukod sa pagiging komedyante, siya din ang isa sa naging mainstay cast ng now-defunct kiddie gag show ng ABS-CBN na 'Goin' Bulilit'.


Mayroong apat na anak si Dagul, tatlong lalaki at isang babae. Ang kaniyang naging asawa ay isang non-showbiz personality.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko si Dagul ay mayroong kondisyon na kung tawagin ay "dwarfism", ang mga tao na ipinanganak na ang tanging taas ay umaabot lamang sa 4ft kahit sila ay matanda na.

Bago pa mawala ang prangkisa ng ABS-CBN ay nawala na din ang show ni Dagul na Goin' Bulilit. Mula nga noon ay hindi na siya muli pang napanood sa telebisyon. Ngunit may ilan namang mga balita na lumalabas na siya ay pumasok na sa mundo ng pulitiko.


Ngunit, tanong pa din ng marami ngayon kung ano na nga ba ang tunay na lagay ng komedyante?

Sa latest vlog ni Ogie sa kaniyang YouTube channel ay nakapanayam niya si Dagul at inalam din niya ang kalagayan ngayon ng dating sikat na komedyante.


Ayon kay Dagul, ibang iba daw ang buhay na mayroon siya ngayon kumpara noong siya ay nasa showbiz pa. Siya ay nagtatrabaho ngayon bilang head ng command center ng kanilang baranggay. SIya din ay isang Kagawad ngayon sa kanilang lugar.

Ngayon din daw ay nahihirapan na si Dagul sa paglalakad kaya siya ay lagi lamang nakaupo. Sa tuwing pumupunta siya sa baranggay ay kailangan pa siyang buhatin ng kaniyang anak.

Isa din sa pinagkakakitaan ngayon ng komedyante ay ang pagbabantay sa kanilang munting tindahan.

Naging emosyonal naman ang mag-ama nang magpaabot ng tulong si Ogie sa anak ni Dagul para sa pag-aaral nito.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Ogie Diaz, Ibinahagi Ang Kalagayan Ngayon Ng Dating Sikat Na Komedyanteng Si Dagul
Ogie Diaz, Ibinahagi Ang Kalagayan Ngayon Ng Dating Sikat Na Komedyanteng Si Dagul
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEjJspL6ofyH0Le289aHXyb_B24yvdik6B0x6kfKgQ1KbuWALrQFAZY_UydEMh2T7aKZ-yjCwaToL_OHQPzWN0E92XohcE-0GErjktpu9boKblcuvy0vvyC0_p5c66Q-z09JFYeqDGeUyGTZnDxPJGQsBsjePuHWERThy6j_KbAmLdxIW5bq7Wb2_M79=w640-h360
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEjJspL6ofyH0Le289aHXyb_B24yvdik6B0x6kfKgQ1KbuWALrQFAZY_UydEMh2T7aKZ-yjCwaToL_OHQPzWN0E92XohcE-0GErjktpu9boKblcuvy0vvyC0_p5c66Q-z09JFYeqDGeUyGTZnDxPJGQsBsjePuHWERThy6j_KbAmLdxIW5bq7Wb2_M79=s72-w640-c-h360
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/03/ogie-diaz-ibinahagi-ang-kalagayan_23.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/03/ogie-diaz-ibinahagi-ang-kalagayan_23.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy