Samp4lan Sa Awards Night, Nangyari Na Pala Sa Pilipinas Noong 1991

Naging malaking usap-usapan sa iba't ibang panig ng mundo ang nangyaring panan4mpal ni Will Smith kay Chris Rock sa nagdaang 94th Academ...


Naging malaking usap-usapan sa iba't ibang panig ng mundo ang nangyaring panan4mpal ni Will Smith kay Chris Rock sa nagdaang 94th Academy Awards.

Ito ay nangyari matapos hindi magustuhan ni Will ang biro ng komedyante sa kaniyang asawa na si Jada Pinkett Smith na nangyari noong Linggo ng gabi, March 27, 2022 sa Dolby Theatre, Los Angeles.

Hindi na bago sa mga Pilipino ang nangyari kina Rock at Smith.

Naging isa din kasing malaking balita sa Philippine showbiz ang ginawang pananampal ni Rudy Fernandez sa komedyanteng si Bert “Tawa” Marcelo na nangyari naman noong April 1991 sa ginawang parangal ng 14th Gawad Urian sa main theatre ng Cultural Center of the Philippines.

Amg pinagkaiba lamang ng pangyayaring ito ay naganap ang pananampal ni Rudy kay Bert sa backstage ng CCP kaya ito ay hindi nakunan ng camera samantala, ang panan4kit naman ni Smith kay Rock ay nangyari sa live broadcast ng 94th Academy Awards na napanood ng libu-libong mga tao.

Main host noon si Bert ng 14th Gawad Urian. Co-host naman niya sina Vilma Santos, Snooky Serna, at ang asawa ni Rudy na si Lorna Tolentino.

Sa upuan naman ay magkatabi sina Rudy at ang kaniyang matalij na kaibigan na si Philip Salvador.

Habang commercial break dahil hinihintay ang mangyayaring awards night ay nagsalita si Bert sa harap ng mga manonood at sinabing, “O, tignan mo, mga action star ‘yan, sina Philip at Rudy, mga action star ‘yan pero nagho-holding hands.”

Ngunit hindi naman nagustuhan ni Rudy ang biro na ginawa ni Bert. Kaya noong matapos ang pangyayari ay hindi nagdalawang isip ang action star na puntahan si Bert sa backstage ng CCP Main Theatre at sinampal ang komedyante.

Ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino at ang TV host na si Butch Francisco ang siyang nagbigay ng iba pang mga detalye tungkol sa kontrobersyal na pangyayari na siyang naging malaking usap-usapan noon. Dahil dito, itinuring pa noon bilang isa sa pinakamalaking balita sa Philippine showbiz noong 1991.

Pagbabahagi ni Butch,

“Pinuntahan siya [Bert] ni Daboy [Rudy] sa backstage at sinabihan ng ‘Sa susunod, huwag mo akong lolokohin! Huwag mo akong mabiru-biro nang ganyan!’

“Ang co-host na susunod na isasalang, si Vilma Santos. Papasok pa lang si Vilma, kitang-kita niya ang nangyari kaya paglabas niya sa stage, namumutla siya.”

“Nagpatuloy ang show, hindi itinigil dahil hindi naman nangyari sa stage. Yung mga tao lang sa backstage ang naka-witness.”

Ang naturang insidente ang siyang nagbigay ng malaking leksyon kay Bert. Kaya naman simula noon ay naging maingat na siya sa mga biro na kaniyang binibitawan.

Saad pa ni Butch,

“Si Bert, prior to that, nagkaroon na rin siya ng isyu. Nagbiro siya sa isang event, ang biniro niya, asawa ng isang businessman kaya nawalan siya ng endorsement.

“The following year, 1992, pinagpahinga muna namin si Bert bilang host ng Gawad Urian.

“Favorite ko si Bert, madaling kausap. Nag-umpisa siyang host ng Gawad Urian noong 1990 at 1991.

“Pero dahil sa sampalan, ipinahinga muna siya noong 1992. Si Pilita Corrales muna ang kinuha naming host.

“Tapos 1993, balik na uli si Bert na host ng Gawad Urian, pero maingat na siya.

“After a few months, nagkapatawaran na sila ni Daboy.”

Sina Rudy at Bert ay pareho ng namayapa. Si Rudy ay puman4w noong June 2008 habang si Bert naman ay noong December 1995.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Samp4lan Sa Awards Night, Nangyari Na Pala Sa Pilipinas Noong 1991
Samp4lan Sa Awards Night, Nangyari Na Pala Sa Pilipinas Noong 1991
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh-517ZNWWlv-lSnGTKo13ThLN6i4IYSbh3Z5jweAEnIKvIrkfem5MtLXyuhPlf7dRzVepc1ZPdvCbaq8Hs8e8gdF4fL9aftQ7S-Zjmx1eqi2X6ElpvXEm4iqKuNOcbgrE5gsfm3vJeAOEasBnx8p0pwPrnOnmSs1F1R2n2ZFhf4ay9LqZw1NBp5dde/w640-h360/asgsdhdf.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh-517ZNWWlv-lSnGTKo13ThLN6i4IYSbh3Z5jweAEnIKvIrkfem5MtLXyuhPlf7dRzVepc1ZPdvCbaq8Hs8e8gdF4fL9aftQ7S-Zjmx1eqi2X6ElpvXEm4iqKuNOcbgrE5gsfm3vJeAOEasBnx8p0pwPrnOnmSs1F1R2n2ZFhf4ay9LqZw1NBp5dde/s72-w640-c-h360/asgsdhdf.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/03/samp4lan-sa-awards-night-nangyari-na_80.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/03/samp4lan-sa-awards-night-nangyari-na_80.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy