Babae Natupad Ang Pangarap Na Magkaroon Ng Maraming Anak, Ngunit Hindi Niya Gusto Na Magkakaiba Ang Mga Tatay Nito

Si Isabel Dizon ay mayroon ng apat na anak sa kaniyang edad na 25-anyos. Ang kaniyang 10 taong gulang na panganay na si Jai ay anak niya sa ...


Si Isabel Dizon ay mayroon ng apat na anak sa kaniyang edad na 25-anyos. Ang kaniyang 10 taong gulang na panganay na si Jai ay anak niya sa kaniyang dating karelasyon habang anak naman niya sa isa pang ex-boyfriend ang kaniyang sumunod na dalawang anak na sina Lance at Nigel na 6 at 5 taong gulang.

Ang kaniyang 1 taong gulang na bunsong anak naman na si Inarah ay anak nila ng kaniyang asawa ngayon na si Ralph Dizon.

Katulad ng mga anak, si Isabel ay mayroon ding mga kapatid sa ama ngunit ito ay solo lamang na lumaki sa puder ng kaniyang mga magulang. Kaya naman simula noon ay nangarap na si Isabel na magkaroon ng malaking pamilya o maraming anak.


Pagbabahagi niya sa panayam sa kaniya ng Smart Parenting Mom Network,

“Sabi ko noon, gusto ko marami ang anak ko. Pero hindi ko naman ginusto na iba-iba ang tatay nila.”

Wala namang pinagsisihan na kahit ano si Isabel kahit siya ay maagang nagkaroon ng anak. Sa halip ay nais niyang maging inspirasyon sa mga batang ina katulad niya.

"Di ako proud na maaga akong nagbuntis. Actually, gusto kong ipakita sa mga kabataan ngayon na hindi madali ang maging batang ina…Although hindi naman ako nagsisisi kasi [my kids are] so beautiful. Blessing sila sa akin."


16 taong gulang pa lamang si Isabel nang gampanan na niya ang pagiging ina sa kaniyang panganay na anak habang sinisikap niya na makapagtapos ng pag-aaral. 

Ngunit noong taong 2011 ay binaw1an ng buhay ang nanay ni Isabel at dito niya din nalaman na mayroon pa lang ibang pamilya ang kaniyang ama.

Ang kaniyang tatay Delfin ay naisipan na iuwi ang pamilya sa bahay nila Isabel.

Saad niya,

"Feeling ko, ako ang saling-pusa do’n sa pamilya…Mula bata, naghahanap ako palagi sa labas, friends gano’n. Mas naging close ako sa ibang tao kesa sa daddy ko."

Nakilala naman ni Isabel ang ama ng kaniyang pangalawa at pangatlong anak habang siya ay nagtatrabaho sa casino. Ngunit hindi din nagtagal ay naghiwalay silang dalawa matapos tumamlay ang kanilang pagsasama.


Noong mga sandaling iyon ay wala ng mauwian si Isabel dahil ang kaniyang Daddy Delfin ay sumama na sa asawa nito na taga-Nueva Ecija. Kaya naman naisip niya na iwan muna ang kaniyang mga anak sa tunay nilang mga ama para siya ay makapagtrabaho sa ibang bansa at matustusan ang pangangailangan nilang mag-iina.

Saad ni Isabel,

"So iniwan ko [ang mga anak ko]. Para sa akin, ’yon ang pinakamahirap na desisyon." 

Samantala, nakahanap naman si Isabel ng masasandalan at makakausap noong mga panahon na siya ay nalulungkot at nangungulila sa kaniyang mga anak dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Ito ay sa piling ng kaniyang nakababatang si Ralph.

Bigla na lamang daw umanong nakatanggap si Isabel ng text ng pangangamusta kay Ralph at mula noon ay naging regular na nga ang kanilang komunikasyon. Kahit pa man sila ay malayo sa isa't isa, naging maayos naman ang kanilang pag-uusap at pagkakaibigan.


Matalik din na magkaibigan sina Ralph at Isabel kaya naman hindi na din ito nag-atubiling sabihin sa kaniyang daddy Delfin ang tungkol sa kanila ni Ralph.

Noong una ay long distance pa ang kanilang relasyon ngunit hindi ito naging hadlang para makipagmabutihan kay Ralph.

Nakakalungkot man na namayapa ang kaniyang daddy Delfin bago sila ikasal ni Ralph noong February 14, 2019 ay baon naman niya ang lahat ng mga pangaral sa kaniya ng ama.

Naging maayos din naman ang pagsasama nila ng kaniyang mga anak kahit iniwan niya ang mga ito dahil sa pagtatrabaho niya sa ibang bansa.

Ani Isabel,

"Ang greatest joy ko talaga as a mom is makita ko ang mga anak ko na sama-sama.”

Dagdag niya,

“At saka makita silang masaya. Pag nanay ka, masaya ka na din talaga. Kahit hindi kayo mayaman, kahit hindi kayo makapunta sa ibang bansa, okay na ’yon. Basta ang mga anak mo, makita mong sama-sama sila at saka maayos silang magkakapatid."

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Babae Natupad Ang Pangarap Na Magkaroon Ng Maraming Anak, Ngunit Hindi Niya Gusto Na Magkakaiba Ang Mga Tatay Nito
Babae Natupad Ang Pangarap Na Magkaroon Ng Maraming Anak, Ngunit Hindi Niya Gusto Na Magkakaiba Ang Mga Tatay Nito
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhgcpseKJ2qW_tFFkdT-0uLLlhGLGEXzT5EClfLFC7eGrl2DfeivY04bEKw11GWqjrL37FmtN6dq4mWoScc7Hx1XnHy30qNpSaTNliDKeAywXo32TIYGoHNx7TpfGO_rV1Ivm0mFy229CCV_r1kIlc6UN6CeY7lTN68pB0ysRWSBRlJmWkOkCOyLxix/w640-h360/feehfdhasegsdg.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhgcpseKJ2qW_tFFkdT-0uLLlhGLGEXzT5EClfLFC7eGrl2DfeivY04bEKw11GWqjrL37FmtN6dq4mWoScc7Hx1XnHy30qNpSaTNliDKeAywXo32TIYGoHNx7TpfGO_rV1Ivm0mFy229CCV_r1kIlc6UN6CeY7lTN68pB0ysRWSBRlJmWkOkCOyLxix/s72-w640-c-h360/feehfdhasegsdg.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/04/babae-natupad-ang-pangarap-na-magkaroon_23.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/04/babae-natupad-ang-pangarap-na-magkaroon_23.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy