Heart Evangelista, May Matinding Rebelasyon Kay Chiz Escudero Na Ikinagulat Ng Lahat

Ang mag-asawang Love Marie Ongpauco o mas nakilala ng publiko bilang ang aktres na si Heart Evangelista at ang kaniyang mister na si Chiz Es...


Ang mag-asawang Love Marie Ongpauco o mas nakilala ng publiko bilang ang aktres na si Heart Evangelista at ang kaniyang mister na si Chiz Escudero o sa tunay na buhay ay si Francis Joseph Escudero ay nasa anim na taon ng mag-asawa ngayon. 

Batid ng marami na bago pa man naging asawa ni Chiz ang aktres ay nauna muna itong ikinasal sa kaniyang dating asawa na si Christine Elizabeth Flores noong taong 1999. Sila ay nagkaroon ng kambal na anak na sina Maria Cecilia at Joaquin Cruz. Ngunit ang pagsasama nga nila ay nagtapos noong 2011. 

Samantala, sa buhay naman ngayon ng mag-asawang sina Heart at Chiz ay hindi pa nga sila nagkakaroon ng sarili nilang anak. Kaya naman ang kambal na anak ni Chiz ay napalapit na din sa aktres at ito nga ang itinuturing na din niyang mga anak.


Lingid din naman sa kaalaman ng publiko na nasa 15 taon ang agwat ng edad ng mag-asawa dahil si Heart ay 35 taong gulang pa lamang at 51 naman ang edad ni Chiz. Sa kabila nito, hindi naman naging hadlang sa pagmamahalan at pagsasama nilang mag-asawa ang malaking agwat ng kanilang edad sa isa't isa.

Nito nga lamang nakaraan, sa isang panayam naman sa mag-asawa ni Karen Davila, sinagot nila ang ilang tanong ng mga netizens. Ilan nga sa mga katanungan ng mga netizens sa mag-asawa ay kung ginagamit ba ng aktres na si Heart ang pera ng asawa niyang si Chiz sa pagbili ng kaniyang mga mamahaling gamit.


Sagot naman dito ni Heart, ang mga mamahaling gamit niya ay mula mismo sa sarili niyang ipon at kita dahil batid naman natin na matagal na siyang nasa mundo ng showbiz. Naibahagi pa nga ng aktres na ngayon ay mas proud siya dahil nakapagpundar na siya ng kaniyang sariling beach resort sa Boracay.  

Pag-amin pa niya, mas malaki na ang kinikita niya ngayon sa kaniyang mga online activities gaya ng kaniyang YouTube channel, collaborations, at mga endorsements. 


Kabilang pa nga sa mga naitanong kay Heart ay kung sakali bang mangbabae ang kaniyang asawa na si Chiz ay iiwan ba niya ito. Ayon naman kay Heart, kung mangyari man ito ay pipiliin niya na patawarin ang asawa dahil mahal niya ito. 

Ikinasal sina Heart at Chiz noong taong 2015 sa Balesin Island sa Polilio, Quezon.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Heart Evangelista, May Matinding Rebelasyon Kay Chiz Escudero Na Ikinagulat Ng Lahat
Heart Evangelista, May Matinding Rebelasyon Kay Chiz Escudero Na Ikinagulat Ng Lahat
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiw_6Q5I729mjD1tjrU6jFAahz7fi_eXlYJS52sxXSCQZiSI0h2PRMp_BhpgmVi5wYKRYFQSda_-gc3rperCguzf5oDD0_IkX70g7-pEHGjQ5Uni7IwVXtORLa2dZX3eocBef-G8a-62bPUv4LQa5gh2CWbNmoCA6NEf1QYgl2DwJGsBvoj_hZQLDbs/w640-h360/dgrhkyhlujl;.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiw_6Q5I729mjD1tjrU6jFAahz7fi_eXlYJS52sxXSCQZiSI0h2PRMp_BhpgmVi5wYKRYFQSda_-gc3rperCguzf5oDD0_IkX70g7-pEHGjQ5Uni7IwVXtORLa2dZX3eocBef-G8a-62bPUv4LQa5gh2CWbNmoCA6NEf1QYgl2DwJGsBvoj_hZQLDbs/s72-w640-c-h360/dgrhkyhlujl;.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/04/heart-evangelista-may-matinding_2.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/04/heart-evangelista-may-matinding_2.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy