Katrina Halili, Inamin Ang Tungkol Sa Kaniyang Karamdaman Na Ikinagulat Ng Lahat

Nitong nagdaang mga araw, may kumalat na blind items tungkol sa isang aktres na may misteryoso umanong sakit. Pagkatapos lumabas ng blind it...


Nitong nagdaang mga araw, may kumalat na blind items tungkol sa isang aktres na may misteryoso umanong sakit. Pagkatapos lumabas ng blind item na ito sa PEP, hindi naman itinanggi ni Katrina Halili na siya nga ang tinutukoy sa article at aminado siya na nagkasakit nga siya habang nasa taping ng 'Prima Donnas' ng GMA-7.

Matatandaan na November noong nakaraang taon nang mag-post si Katrina sa Instagram ng kaniyang larawan kung saan makikita na siya ay nakaupo sa MRI table sa St. Lukes Hospital. Nilagyan pa niya ito ng caption ng: "Salamat sa nag-aalaga sa akin."

Dahil dito, nagka-idea ang marami na tila may pinagdadaanang medical condition ang aktres. Nang mga panahong iyon, sinabi niyang wala pa namang masasabi kung ano nga ba ang kaniyang s4kit dahil wala pa umanong resulta ang test na ginawa sa kaniya. Kailangan pa din daw niya na kumonsulta sa dalawang doktor para dito. 


Pero ayon sa aktres, noong mga oras na iyon, halos dalawang buwan na din daw kasi siyang nakakaramdam ng sakit. Nagkataon na naka-lock in taping siya para sa kaniyang GMA afternoon prime na Prima Donnas Book 2 kaya tiniis muna niya ang sakit na nararamdaman. Habang nasa lock-in taping, mayroon daw siyang online consultation at niresetahan din daw muna siya ng mga gamot para sa kaniyang nerves at para sa pain.

Tiniis na lang umano niya ang sakit dahil alam niyang malapit ng magtapos ang lock-in taping nila. Kaya nang kinailangan pa sanang mag-extend ang taping, nagpaalam na daw talaga siya dahil kinailangan na niyang magpa-konsulta sa doktor dulot ng kaniyang nararamdaman.


Noong November 6 ay muli siyang nag-post na nagpapakita na siya ay nakapag-konsulta na sa doktor sa St. Lukes Hospital. Sa kasunod na post ay mga series ng X-ray photos ng kaniyang leeg ang kaniyang ipinakita. Dito nga ay ipinapakita ni Katrina na ang kaniyang leeg ang may problema. Marahil ay doon nagmula ang mga s4kit na kaniyang nararamdaman sa lock-in taping.

Habang nasa Prima Donnas Book 2 virtual con noong January 10, muling nakamusta ng press ang kalagayan ng aktres.

Masayang pagbabalita ni Katrina,

"Okay naman po ako."


Pagbabalik tanaw pa ng aktres,

"Nagpacheck-up ako. Nagpa MRI ako. Dito sa neck ko yung may problema tapos sa nerves ko naman, binigyan lang po ako ng gamot para mawala yung sakit. Actually, sa ngayon po wala na akong maintenance. Okay na po ako. Noong nakaraan lang po medyo alarming kasi hindi na gumagalaw. Naninigas na po ang leeg ko ng halos kalahating buwan."

Hindi naman na nagbigay ng iba pang detalye si Katrina kung ano ang kaniyang naging karamdaman. Ang mahalaga daw ay magaling na siya ngayon. Dasal naman ng karamihan na sana ay tuluyan na siyang gumaling mula sa karamdaman na iniinda.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Katrina Halili, Inamin Ang Tungkol Sa Kaniyang Karamdaman Na Ikinagulat Ng Lahat
Katrina Halili, Inamin Ang Tungkol Sa Kaniyang Karamdaman Na Ikinagulat Ng Lahat
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhgnOU181QfBcvE4T_s1dRD0dUsDYTWUs6WJlAhss32D58SxhCYQm4bUSqNOfksKvl2daDuEEeeJ4COwKmPCt764FCW_dp7sjlAVdKR6dtzS2NjKESAmktFfdzCfOA2SOeeE6cI8dbwWVzCqVuaHwjkOOmFikQsBL2-Im9kkzDvuAo2GKDfLtfI_hjy/w640-h360/sfsderujtgkg.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhgnOU181QfBcvE4T_s1dRD0dUsDYTWUs6WJlAhss32D58SxhCYQm4bUSqNOfksKvl2daDuEEeeJ4COwKmPCt764FCW_dp7sjlAVdKR6dtzS2NjKESAmktFfdzCfOA2SOeeE6cI8dbwWVzCqVuaHwjkOOmFikQsBL2-Im9kkzDvuAo2GKDfLtfI_hjy/s72-w640-c-h360/sfsderujtgkg.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/04/katrina-halili-inamin-ang-tungkol-sa_11.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/04/katrina-halili-inamin-ang-tungkol-sa_11.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy