Kris Aquino Napahiya Sa Banat Ni Ruffa Gutierrez Sa Kaniya Dahil Kay Herbert Bautista

Hindi man pinayagan ng kaniyang mga doktor na makalabas at magpunta sa malayong lugar si Kris Aquino, pinilit pa din nito na sumama at umatt...


Hindi man pinayagan ng kaniyang mga doktor na makalabas at magpunta sa malayong lugar si Kris Aquino, pinilit pa din nito na sumama at umattend sa Grand People's Rally event nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan na parehong tumatakbo bilang Presidente at Bise Presidente para sa 2022 elections na ginanap noong March 23 sa Tarlac City.

Makikita ngang hindi maganda ang kondisyon ng Queen of All Media na si Kris, subalit, pinagpatuloy nito ang pagpapakita ng suporta at pag-kampanya sa kaniyang Presidential bet. Ginawa ito ni Kris kasama ang kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby bago sila magtungo abroad para sa mas malawak na gamutan sa kaniyang kondisyon.

Kamakailan lamang din ay matagumpay na nakuha ni Kris ang kaniyang unang dose ng bagong treatment na kanilang sinusubukan para sa kondisyon nito. At maayos naman na tinanggap ito ng kaniyang katawan. Matapos nito, sumailalim naman siya sa bone marrow, biopsy, at endoscopy na kanilang ginawa para ma-rule out ang mga posibilidad ng mas malubhang sakit.


Ang kaniyang pag-akyat sa entablado ay nangyari dahil pinagbigyan lamang siya ng kaniyang mga doktor at sinabihan din na 30 minuto lamang ang kaniyang oras para magbigay ng speech. Inihayag naman ni Kris na kahit pigilan siya ng mga nag-aalaga sa kaniya, hindi niya maaaring hindi puntahan ang event sa kaniyang hometown dahil para sa kaniya, ang tumapak sa Tarlac ay worth all her risks. Nasabi niya ito dahil sa kaniyang pakiramdam ay kailangan niyang iparating ang kaniyang pasasalamat sa mga taong tunay na sumuporta sa kanilang pamilya na hindi umiwan at nagpabaya sa kaniya.

Nagpahaging si Kris na ang mga tagasuporta nito ay hindi tulad ng kakilala nila na talaga namang kinaiinisan niya. Sa pagpapatuloy nito, nabanggit din niya na pinayuhan siya ng mga tao sa kaniyang paligid na iwasan muna ang makipag-away, subalit hindi nito mapigilan ang kaniyang sarili dahil hindi siya ang mabait na Aquino na inaakala ng publiko. Siya lang ang nag-iisa sa kanilang pamilya na magsasabi ng totoo at transparent ang pag-uugali sa lahat ng tao. 


Dagdag pa sa kaniyang mga naging pasaring sa isang kilalang pulitiko, matindi ang inis niya sa taong walang utang na loob. Pero kailangan na dedmahin na lamang nang makapag-focus sa kung ano ang importante. Hindi man nagbanggit ng pangalan si Kris, alam ng mga taong nagsidalo na ang tinutukoy niya ay ang alkalde ng lugar na hayagang nagpakita ng kaniyang suporta sa katunggali ni Leni na si BBM. Subalit, may isang malaking naging pasabog si Kris noong gabing iyon. 

Dahil nasimulan na nito ang magpahaging sa mga taong hindi karapat-dapat na makakuha ng suporta mula sa mga taga-Tarlac, hindi ito huminto sa isang tao lamang. Sa paglabas ng aktres na si Angel Locsin sa entablado, bilang surprise celebrity guest na kilala din sa hayagang pagbibigay ng suporta nito kay Leni Robredo, isa na namang pulitiko ang pinasaringan ni Kris.


Bilang panimula ni Angel, pinasalamatan muna nito ang walang sawang pagpunta ng mga supporters ni VP Leni sa kampanya nito, lalo na sa Tarlac. Ginusto man ni Angel na makasama ang mga tao at manatili sa crowd, sinabi ni Kris sa kaniya na mas maganda kung magbibigay pugay ito sa mga taong dumalo. Dahil sa nakita nito sa maraming attendees, inihalintulad niya sila sa isang karelasyon na maaasahan sa anumang oras. 

Aniya,

"Kahit umulan, umaattend. Rain or shine, walang excuse lumalabas. Kasi 'yun naman ang gusto natin sa isang tao, hindi po ba? Kapag hahanap ka ng kaibigan, ka-relasyon, kailangan laging nandyan kapag kailangan mo. Hindi tuwing eleksyon lang."


Dito naman na sumingit si Kris at sinabi na tinamaan siya sa sinabi ng kaibigan na inakala naman ni Angel na ito ay tungkol sa paglabas ng TV host sa tuwing magkaka-problema ang mga kababayan niya. Itinama ni Kris ang kaniyang sinabi at ayon sa kaniya, tinamaan siya nang mabanggit ang tungkol sa pagkakaroon ng isang ka-relasyon na maasahan. Ang binabanggit ni Kris ay ang kaniyang ex na nasa UniTeam. 

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko na ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang dating Mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista na tumatakbo ngayon bilang Senador. Agad namang sinabi ni Kris na huwag iboboto ang taong iyon dahil masasayang lamang ang kanilang boto sa isang kandidato na hindi marunong tumupad sa mga naipangako nito. Dagdag pa ni Kris, dahil nagbanggit si Angel tungkol sa ka-relasyon, muntik na din siyang makapagsalita sa isa pa niyang ex, ngunit hindi na niya iyon ginawa. 


Sa pagtatapos naman, hiniling na lang ni Kris kay Angel na ito na muna ang mag-representa sa kaniya dahil matagal itong mawawala sa bansa. Dahil sa naganap na rally, nag-trending ang mga salitang binitawan ni Kris sa kaniyang campaign speech. Marami ang nag-react tungkol sa pagpapasaring nito sa kaniyang ex na hindi marunong tumupad sa naipangako. 

Isa na dito ang beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez. Hinihinala ng marami na ang ipinost nito sa kaniyang Instagram page ay patama sa paglalabas ni Kris ng kaniyang saloobin sa nagdaang rally sa Tarlac. Kinabukasan nga ng gawin ni Ruffa ang nasabing post kung saan makikitang nasa beach ito at nage-enjoy. May petsa namang Novembern 21, 2020 ang nasabing video reel. Nilagyan naman niya ang post ng caption na: "Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex."


Ang IG post na iyon ay isang senyales ng pagtatanggol ni Ruffa sa kaniyang rumored boyfriend sa ngayon na si Herbert Bautista. Para sa kaniya, masaya siya ngayon lalo na ang kaniyang puso dahil patuloy ang pagtibok nito para sa iisang lalaki. Kung tutuusin, lumalabas na itinutuloy lamang ni Herbert ang kaniyang naudlot na love affair kay Ruffa ilang dekada na din ang nakakalipas kung saan nabalitang nagkaligawan ang dalawa noong 13-year-old pa lang ang actress-beauty queen.

Nang magsama silang muli sa isang proyekto, marami ang nakakita na mayroon silang on-screen chemistry at tila nababagay para sa isa't isa. Kaya naman nasabi noon ni Ruffa na maaari naman pala siyang magkaroon ng ka-trabaho na hindi niya kasing taas kaya para sa kaniya, heigh doesn't matter at all. 


Mapapansin din na sa pagpasok ng taong 2022, tila ikinakampanya na ni Ruffa si Herbert nang mag-post siya sa social media ng art card ng tumatakbong senador at sinabing, "Herbert "Bistek" Bautsiat, Senador ng Kabataan. ILY Internet Livelihood Youth"

Nilakipan din niya ito ng isang i love you heart sign emoji. Nilinaw naman ni Ruffa na sinusuportahan lamang niya ang kandidatura ni Herbert sa kaniyang post. Kahit hindi na sabihin ni Ruffa na walang anything romantic sa pagitan nila ni Herbert at platonic lamang ang lahat ng iyon, kabaliktaran naman kasi ito sa nakikita ng publiko. Sinabi din nito na what you see is what you get sa kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Herbert. 


Hindi pa man umaamin sina Ruffa at Herbert sa kanilang relasyon, naging Instagram official naman sila noong March 15, 2022 nang mag-post ang beauty queen ng isang video na nagpapakita sa pagkampanya nito sa dating kasamahan sa seryeng "The House Arrest of Us" at nilagay ang caption na: "#8 sa balota. #1 sa puso ko!" Kasama ng isang purple at green heart emoji at i love you hand sign emoji. 

Dahil sa bangayang ito nina Kris at Ruffa, marami tuloy ang binalikan ang love story nina Kris at Herbert na on and off ang relasyon. Maging ang dalawang marriage proposal ni Herbert kay Kris noong 2014 at 2017. Naungkat noong November 2021 ang tungkol sa nakalipas nilang relasyon at agad naman itong inalmahan ni Kris. Sinabi kasi ni Herbert sa isang tweet na ipinadala niya sa Presidential candidate na si Senator Ping Lacson na na-inspire din ito na mag-propose, subalit, ang kaniyang mahal ay may napili ng iba.


Sinamahan niya ang mensaheng ito ng mga hashtag na kung maibabalik ko lang at TOTGA na ibig sabihin ay the one that got away. Malakas ang kutob ng karamihan na si Kris ang tinutukoy ni Herbert sa deleted tweet na iyon kaya naman sinagot siya ng TV host at pinaalalahanan na hindi na siya dapat gamitin pa sa kampanya para makuha ang atensyon ng publiko dahil pasok naman ito sa polls ng magic 12 ng Senado. 

Nagpatuloy din ang pagpapaalala ni Kris kay Herbert na huwag na nitong muling isulat ang kasaysayan dahil hindi naman niya nagawang magpaka-importante noong panahong kinakailangan ito. Kaya dumating ito sa desisyon na isara na lamang ang yugtong iyon ng kaniyang buhay dahil napagod lamang ang bupong pagkatao nito sa kakahintay kay Herbert. Nagkaroon din naman ng closure sa pagitan nila nang magka-usap sila noong May 12, 2021. Doon na din lumabas ang tila pa-blind item ni Kris sa beautiful girlfriend nito na mabilis naman na natukoy ng publiko na si Ruffa Gutierrez.


Humingi naman ng paumanhin si Herbert kay Kris dahil hindi ito naging mabuti sa kaniya at pinanghihinayang pa din ang pagkakataon na hindi niya sinamantala na maging maayos sila ni Kris noon. Kahit hindi hayagang sabihin ni Ruffa na nagmamahalan na sila ni Ruffa, mababanaag sa kaniyang mga mata na umiibig na itong muli matapos ang anim na taong relasyon sa kaniyang French-Israeli boyfriend na si Jordan Mouyal. Kaya din ganoon na lamang ang pagtatanggol ang ginawa nito sa sinabi ni Kris tungkol sa senatorial aspirant. Ang tanging concern na lamang ng mga malapit sa buhay ni Ruffa ay kung mananatiling loyal sa kaniya si Herbert.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Kris Aquino Napahiya Sa Banat Ni Ruffa Gutierrez Sa Kaniya Dahil Kay Herbert Bautista
Kris Aquino Napahiya Sa Banat Ni Ruffa Gutierrez Sa Kaniya Dahil Kay Herbert Bautista
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhYzBYCFvfnGbppbPW4qTDT1lbFW6nHSWUZpCiukR79RtJswzEOryk3VDpgjSM8fJPeKghmRBAJW0zoBeppAYm_YVwC0FCNpzlbXcO4KJUh3ZXcZLVEHn4sCV3JTF4lQv90u5oZRaJL78cjUXsMKLvpABcms4iNUdbCq0dyZ4Xc6yC0F3L7W1xHdclv/w640-h360/sfsfegteyhrhrj.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhYzBYCFvfnGbppbPW4qTDT1lbFW6nHSWUZpCiukR79RtJswzEOryk3VDpgjSM8fJPeKghmRBAJW0zoBeppAYm_YVwC0FCNpzlbXcO4KJUh3ZXcZLVEHn4sCV3JTF4lQv90u5oZRaJL78cjUXsMKLvpABcms4iNUdbCq0dyZ4Xc6yC0F3L7W1xHdclv/s72-w640-c-h360/sfsfegteyhrhrj.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/04/kris-aquino-napahiya-sa-banat-ni-ruffa.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/04/kris-aquino-napahiya-sa-banat-ni-ruffa.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy