Nakaka-Iyak Na Liham Ng Isang Guro Sa Kanyang "Favorite Student" Binaha Ng Luha At Pakiki-simpatya!

Hindi din biro ang pagiging isang mag-aaral. Nandyan ang pagpupursigie at hirap na ating kailangan na gawin para tayo ay makapagtapos ng ati...


Hindi din biro ang pagiging isang mag-aaral. Nandyan ang pagpupursigie at hirap na ating kailangan na gawin para tayo ay makapagtapos ng ating pag-aaral at makuha ang ating pinapangarap na diploma.

Maliban sa ating pamilya, nagsilbi na ding pangalawa nating mga magulang ang ating mga guro na isa sa nagbibigay gabay sa atin para marating natin ang rurok ng tagumpay.

Sila ay saksi sa ating pagsusumikap kaya naman sila ay isa sa mga nagiging proud at nagpupunyagi sa tuwing tayo ay nakakakuha ng pasadong marka at nakatapos ng ating pag-aaral.


Ngunit sila ay isa din sa mga lubos na nasasaktan at nalulungkot sa tuwing mayroong estudyante, lalo na kung ito ay naging malapit sa kanila, ang mamamaalam na. Ito din ang isa sa mga nagiging inspirasyon nila para mas maging maayos at mabuting guro sa kanilang susunod na mag-aaral na tuturuan.

Isa na dito ang guro na si Josephine Lanceta Ulitin. Maraming netizens ang nakisimpatya nang ibahagi niya sa kaniyang Facebook account ang mensahe niya para sa kaniyang mabuting mag-aaral na si Loyd Jerome Conde. Ito ay mayroong medical condition at tuluyan ng binaw1an ng buhay sa mismong araw ng kaniyang moving up ceremony.


Basahin ang kabuuang mensahe ni Josephine para sa kaniyang mabuting mag-aaral:

"Ito na yata ung GREATEST HEARTBREAK ko in my 5 years as a teacher" (crying emoticon)

"Wala akong favorite student, kasi gusto ko fair sa lahat, maliban sayo anak Loyd Jerome Conde ... sayo lng ako nagkaroon ng favorite, at alam ng lahat ng mga kaklase mo un.. Sobrang special ka samin... tanggap nilang iba ko pagdating sayo... Sa loob ng 1 taon sa face to face class last year, wlang ni isang nkapamb*lly o nakasakit sau kasi alam nilang lahat na magwawala tlga ko sa room pag ikaw ang kinanti nila, pero kahit hindi ako magalit, nakita ko anak na minahal at tinanggap ka ng lahat ng kakaklase mo..."

"May medical condition ka pero gustong gusto mo mkapagtapos... Tandang tanda ko nun, ililipat ka sana ng ADM pra sa bahay ka n lang mg aaral pero ayaw mo kc sabi mo masaya ka sa room, tapos ililipat ka sana ng section kc 4th floor ung room natin, naaawa aq sa pag akyat baba mo pero sabi mo"

"ayaw mo kc gusto mo ako teacher mo"

"Gusto mo lagi pumapasok kahit may sakit ka... Mahina ung katawan mo kya sabi q hindi ka na kasali sa cleaner, pero pag uwian nakikita kitang nauuna pang maglinis..."

"Kanina, habang nanunuod ng virtual moving up, ang dami sa kaklase mo na honor ngaun pero iba ung saya ko nung nakita ko ung pangalan mo.. ikaw nga lang ung binati ko ng special sa GC natin kc anak tandang tanda ko ung sinabi mo sakin na gusto mong makagraduate, kya ang sakit sakit anak na sa mismong araw ng graduation mo ay iniwan mo na kami..."

"Rest in God's Paradise nak, dun wla ng païn, Sana sa huling taon mo ng face to face class last year ay nparamdam namin sayo na mahal at tanggap ka namin kahit anu ka pa... Sobrang Proud ako sayo anak.. Mahal na mahal ka namin ng buong Bonifacio Family mo...."

Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagparating ng kanilang pakikiramay dito at sa magulang ng namayapang mag-aaral. 

Si Loyd ay nagsilbing isang inspirasyon sa karamihan, lalo na sa mga kabataan ngayon na kahit gaano kahirap ang buhay o kahit ano pa ang ating pinagdadaanan ay magpatuloy lamang tayo sa pag-abot ng ating mga pangarap dahil tiyak na ikaw ay magtatagumpay dahil kaagapay mo ang Diyos sa pagtupad nito.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Nakaka-Iyak Na Liham Ng Isang Guro Sa Kanyang "Favorite Student" Binaha Ng Luha At Pakiki-simpatya!
Nakaka-Iyak Na Liham Ng Isang Guro Sa Kanyang "Favorite Student" Binaha Ng Luha At Pakiki-simpatya!
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhiTRqS-oLN3fQb6OElOe-bdkIiUHG0NPQ67ONvg2jjLu5JQoAWpwVZUETp5zR8XyMweLIREtj33DIn99eNvfVn5hIEAeD3WPh5dnDd5l4aeINg5U0TjKObepNQgngR6hxuyjxSWfdzQC3qhO0KyvqyuPxAFNcXAXW_hN8ohZy8u9wWnlOVNwZAHur2/w640-h360/sffjkh.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhiTRqS-oLN3fQb6OElOe-bdkIiUHG0NPQ67ONvg2jjLu5JQoAWpwVZUETp5zR8XyMweLIREtj33DIn99eNvfVn5hIEAeD3WPh5dnDd5l4aeINg5U0TjKObepNQgngR6hxuyjxSWfdzQC3qhO0KyvqyuPxAFNcXAXW_hN8ohZy8u9wWnlOVNwZAHur2/s72-w640-c-h360/sffjkh.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/04/nakaka-iyak-na-liham-ng-isang-guro-sa_9.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/04/nakaka-iyak-na-liham-ng-isang-guro-sa_9.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy