Netizens, Namangha Sa Transformation Ng Isang Pulubi Dahil Sa Kaniyang Good Looks Na Pang Artista

Naging viral sa social media kamakailan lamang ang larawan ng isang pulubi dahil sa kaniyang gwapong mukha matapos ang kaniyang makeup trans...


Naging viral sa social media kamakailan lamang ang larawan ng isang pulubi dahil sa kaniyang gwapong mukha matapos ang kaniyang makeup transformation na ginawa ng isang hair and makeup artist sa Angeles City, Pampanga. 

Sa kaniyang transformation, kapansin pansin ang kaniyang celebrity looks kaya naman saad ng maraming netizens ay hindi na sila magugulat pa kung makita man nila ang lalaki sa mga commercial sa telebisyon.

Ang nakakamanghang transformation ay nagsimula nang makita ng hair and makeup artista na si Richard Strans ang nasabing lalaki. Ayon kay Richard, madalas niya daw nakikita ang pulubi na nakilala sa pangalan na Dennis Pascual sa kalye malapit sa pagmamay-ari niyang salon sa Angeles City.


Ngunit, nito lamang niya talagang napagmasdan ng malapitan ang lalaki at nakita niya na mayroon itong potensyon na maging isang model dahil sa kaniyang good looks. Si Dennis ay mayroon ding pagkakahawig sa Hollywood  actor na si Chris Patt, ang personalidad na gumanap bilang Star Lord sa 'Guardians of the Galaxy' ng Avengers sa ilalim ng Marvel Cinematic Universe (MCU).

Kaya naman napagpasyahan ni Richard na bigyan ang lalaki ng isang makeover sa pag-asa na maaaring siya ay magkaroon ng trabaho upang kumita ng pera. Matapos kausapin si Dennis, nakatanggap naman ng pahintulot si Richard mula sa lalaki na isagawa ang makeover dito.


Masaya namang inanunsyo ni Dennis na siya ay tuwang tuwa para sa kaniyang makeover dahil mas nagmukha siyang presentable dito at naging mas komportable sa kaniyang hitsura. 

Habang sila ay nag-uusap, napag-alaman ni Richard na iniwan pala si Dennis ng kaniyang pamilya noong ito ay 7-taong-gulang pa lamang. Wala itong kaalam alam tungkol sa kung nasaan na ang mga ito ngayon dahil siya ay naninirahan na ngayon sa kalye at nangongolekta ng mga basura upang ibenta sa mga junk shop para kumita ng pera.

Bukod sa makeover, binigyan din ni Richard si Dennis ng pagkain at ilang mga bagong damit na magagamit niya matapos ang kaniyang transfortation. Plano din niya na i-enroll si Dennis sa isang gym para mapanatili nito ang kaniyang hitsura at sa paghahanda na din para sa mga posibleng modeling jobs na kaniyang makuha sa hinaharap.

Marami naman ang nagpasalamat kay Richard para sa transformation na ibinigay niya kay Dennis. Ngunit, sinabi ni Richard na wala lamang ito at masaya siya na nakakatulong para sa mga taong nangangailangan.

Paliwanag niya,

“Marami naman ako nga natulungan na mga ganun. Lagi ‘yung mga nagbabasura ganyan kasi. Parang malapit kasi ako sa ganyan kasi nga dati rin akong nangangalakal.

“Kapag nakakakita ako ng mga nangangalakal ‘yung parang ang gaan ng loob ko sa kanila tapos gusto ko silang tulungan. Basta kapag nakikita kong masipag sila, gusto ko silang tulungan.”

Masaya din siya dahil madali lamang turuan si Dennis.

Dagdag pa niya,

“Ang napansin ko kay Dennis ang bilis niyang turuan. Nakita niyo naman pang model ang itsura ni Dennis, ano lang siya, talagang kailangan niyang alagaan.”

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Netizens, Namangha Sa Transformation Ng Isang Pulubi Dahil Sa Kaniyang Good Looks Na Pang Artista
Netizens, Namangha Sa Transformation Ng Isang Pulubi Dahil Sa Kaniyang Good Looks Na Pang Artista
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi9TiGD9sBvkKCd5uo551cgM8UHK8robFqRz92xHGCZYs6urvYixVHXVPt2RZUKgG1L9s0TD1c9JtLJerwDhE8mI4tK4gl-gyKGZqeKo6KvIT8TlQxGfUN0s7VyLZQkhR4a1Zhzgzq9-cRySVcDDshBxn2qBHNRXPiPtzXQbxhgH5l7hcIv6t3GBv9Y/w640-h360/sxfgdshfdjhnfgkgyhlk,.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi9TiGD9sBvkKCd5uo551cgM8UHK8robFqRz92xHGCZYs6urvYixVHXVPt2RZUKgG1L9s0TD1c9JtLJerwDhE8mI4tK4gl-gyKGZqeKo6KvIT8TlQxGfUN0s7VyLZQkhR4a1Zhzgzq9-cRySVcDDshBxn2qBHNRXPiPtzXQbxhgH5l7hcIv6t3GBv9Y/s72-w640-c-h360/sxfgdshfdjhnfgkgyhlk,.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/04/netizens-namangha-sa-transformation-ng.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/04/netizens-namangha-sa-transformation-ng.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy