Ito Pala Ang Dahilan Kung Bakit Biglang Nawala Sa Social Media Si Gretchen Barretto Matapos Ipatigil Ang E-sab0ng Sa Bansa

May hangganan din pala ang tapang ng nag-iisang La Greta. Kung mapapansin nitong mga nakaraang buwan ay tumahimik bigla si Gretchen Barretto...


May hangganan din pala ang tapang ng nag-iisang La Greta. Kung mapapansin nitong mga nakaraang buwan ay tumahimik bigla si Gretchen Barretto at hindi halos maramdaman ng kaniyang mga fans. 

Ayon sa isang source, mismo ang kaniyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco ang nag-mando kay Gretchen na manahimik at huwag munang magsalita sa social media, lalo na sa kaniyang personal Instagram account. 

Nagsimula ito noon pang March 2022, kaalinsabay ng tila pananakot ni Gretchen kay Senador Bato Dela Rosa dahil sa senate hearing ng committee nito sa senado hinggil sa mga nawawalang 34 na sabunger0 dahil sa talamak na E-Sab0ng. 

Sa senate hearing kasi ay nagisa ang business partner at rumored boyfriend ni Gretchen na si Charlie Atong Ang na kilalang gambl1ng l0rd sa bansa na siyang nagmamay-ari sa isa sa pinakamalaking e-sab0ng arena sa Pilipinas. Kapartner nga nito sa negosyo si Gretchen. Idiniin ng ilang whistle bl0wers na nab1ktima daw sila ni AA ang alyas ni Atong Ang na big boss umano na siyang nag-utos na sila ay dakp1n.

Todo deny naman si Atong Ang sa mga akusasyon sa kaniya. Bagkus ay idinawit nito ang pangalan ng ilang mga kakumpitensya sa e-sab0ng na may posisyon din sa pulitika. Habang ginigisa si Atong Ang sa pagdinig ng senado, ang kaniyang business partner at rumored girlfriend na si Gretchen ay rumesbak sa mga senador, lalo na sa chairman ng committee na si Sen. Bato Dela Rosa.

Sa kaniyang Instagram story, ivinideo ni Gretchen ang kaniyang TV habang nanonood ng senate hearing at nilalait si Senator Bato. Mula sa pagsasalita nito na bakya at ang asta nito na para daw hindi senador. Giit din niya na grand standing lang ang ginagawa ni Bato at hindi naman talaga naka-focus sa imbestigasyon. Nanawagan pa si Gretchen sa publiko na huwag umano dapat binoboto ang mga kagaya ni Bato. Maliban sa pandadaot ni La Greta kay Bato ay kinukwestiyon din nito ang mamahaling relo na suot ng senador. Aniya saan daw nakakuha ng pera si Bato para makabili ng ganoong kamahal na relo.

Ibinulgar din niya na hipokrito daw si Bato dahil mismong ito ay tumatalkpak sa e-sab0ng. Giit pa niya may mga utang pa daw si Bato sa e-sab0ng at handa daw siyang ilabas ang listahan ng talpak at utang ng senador.

Pinatulan ni Sen. Bato ang mga patutsada ni Gretchen. Aniya, hindi lang daw si Gretchen ang may karapatan na magsuot ng mamahaling relo na nagkakahalaga ng P85,000. Totoo naman daw na mahal ang kaniyang relo na malaking halaga ang P85,000, pero para kay Gretchen ay barya lamang ito. Iginiit din ni Sen. Dela Rosa na walang katotohanan ang mga paratang ni La Greta sa kaniya na siya ay tumatalpak. Kailanman daw ay hindi siya naglaro ng sab0ng. 

Sagot niya,

"Tapos sasabihin pa na mayroon daw akong utang. Sabi niya, may balance daw ako. Papaano ako magkaka-balance. Never akong nagsu6al, never akong nagsa-sab0ng. Never in my life kahit once na nag-bet ako sa sab0ng, hindi nangyari sa buhay ko yan."

Iginiit din ni Bato na wala siyang intensyon na gawing grand standing ang naturang pagdinig dahil siya mismo naiirita siya sa mga kapwa senador na ginagawang grandstand ang kanilang senate hearing para pag-usapan at magpalapad ng papel.

Matapos ang sagutan ni Gretchen at Sen. Bato sa media at social media, unang tumiklop si La Greta dahil na din sa pagbabawal ng kaniyang partner na si Tonyboy na magsalita pa siya, lalo pa at dawit ang pangalan ni Gretchen sa isa sa e-sab0ng ni Atong Ang.

Agad ginawang private ni Gretchen ang kaniyang account. Natigil din ang pagdinig sa senado dahil na din pinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang benepisyo ng e-sab0ng sa ekonomiya ng bansa dahil kumikita daw dito ang pamahalaan. Pero batay din sa pagdinig ng senado kung tutuusin, barya lang ang kinikita ng gobyerno kumpara sa bilyong piso na kita ng mga e-sab0ng operators.

Pero dahil kinatigan ni Pangulong Duterte ang e-sab0ng, sinunod ni Sen. Dela Rosa na itigil ang pagdinig sa senado. Ngunit kamakailan ay nagbago ang desisyon ni Pangulong Duterte. Inanunsyo nito noong May 3 na matapos ang masusing pagsisiyasat ng kalihim ng Department of Interior and Local Government na si Secretary Eduardo Ano na tigil na ang operasyon ng e-sab0ng sa bansa. 

Pahayag ng Pangulo,

"The recommendation of Secretary Ano is to do a way with e-sab0ng and he sighted the validation report coming from all sources. So, it his recommendation and I agree with it. It is good, so e-sab0ng will end."

Matapos suspindihin ng pamahalaan ang operasyon ng e-sab0ng sa buong bansa, naglipana naman ngayon ang mga il1gal na online sab0ng. Na-monitor diumano na naglabasan muli ang mga il1gal na e-sab0ng matapos suspindihin ang operasyon nito dahil sa utos na din ni Pangulong Duterte. 

Nalulungkot din umano ang PAGCOR sa mga may-ari ng mga il1gal na e-sab0ng ang milyon-milyong kita nila araw-araw. Pero walang napupunta sa gobyerno. Inihayag pa na ng PAGCOR na inimpormahan na nila ang mga awtoridad hinggil sa il1gal na operasyon ng e-sab0ng at ngayon ay naghihintay na lamang sila ng kanilang aksyon.

Ipinagutos na din ni Philippine National Police Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon sa lahat ng commanders ng kapulisan na paigtingin ang kampanya kontra il1gal na e-sab0ng operations na patuloy pa din ang operasyon sa kabila ng pagsu-suspinde ni Pangulong Duterte.

Ayon kay de Leon, base sa kautusan ni PNP Officer in Charge Lieutenant General Vicente Danao Jr., hulihin ang mga online sab0ng website na il1gal na nago-operate hanggang ngayon. 

Dahil mainit sa mata ng mga awtoridad ang mga operators ng sab0ng, minarapat na din ni Gretchen na magpahinga sa kaniyang social media dahil apektado dito ang negosyo nila ni Atong Ang.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Ito Pala Ang Dahilan Kung Bakit Biglang Nawala Sa Social Media Si Gretchen Barretto Matapos Ipatigil Ang E-sab0ng Sa Bansa
Ito Pala Ang Dahilan Kung Bakit Biglang Nawala Sa Social Media Si Gretchen Barretto Matapos Ipatigil Ang E-sab0ng Sa Bansa
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiDDLK4bhriTCMODcQqQuYVzXdnuZ2roR0DDhhlpkgdF3FtByp5-OW7OfTir1I89_lS9dQVh0xoSohS8jIjr0p6H4W2f7ohtdB27CzzzZM3pztNBpeKfBR6KDFqwwaH6-jVrLkA8Ger68mbHueLYPEviHBP6sHNJ4nVOGoDz0-sPBDbhEV3FSzdswhs/w640-h360/fsdgreh.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiDDLK4bhriTCMODcQqQuYVzXdnuZ2roR0DDhhlpkgdF3FtByp5-OW7OfTir1I89_lS9dQVh0xoSohS8jIjr0p6H4W2f7ohtdB27CzzzZM3pztNBpeKfBR6KDFqwwaH6-jVrLkA8Ger68mbHueLYPEviHBP6sHNJ4nVOGoDz0-sPBDbhEV3FSzdswhs/s72-w640-c-h360/fsdgreh.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/05/ito-pala-ang-dahilan-kung-bakit-biglang_24.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/05/ito-pala-ang-dahilan-kung-bakit-biglang_24.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy